Recruiter ng 137 Pinoy drivers, iimbestigahan ni Jinggoy
IIMBESTIGAHAN ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ang sinapit ng 137 Pinoy drivers na na-stranded sa Dubai. Ito ang idineklara ni Jinggoy sa kanyang nationwide radio progam “Boses ng Masa” na napapakinggan sa DZRH tuwing Biyernes, 5:30-6:00 p.m.
Bubusisiin niya ang umano’y modus operandi ng CYM International Services and Placement Agency Inc. na pag-aari ng isang Coney Paloma, ang counterpart nito sa Dubai na Al Toomoh Technical Services at ang lending company ng mga ito na RJJ.
Nagpunta sa opisina ni Jinggoy ang mga asawa ng nabiktimang Pinoy drivers at sinabing ang kanilang mga asawa ay ni-recruit ng CYM para maging truck drivers sa Dubai government Roads and Transport Authority (RTA) na ang suweldo ay 5,200 dirhams (P62,400). Bawa’t driver ay kinulektahan umano ng CYM ng P150,000 para sa placement and processing fees. Pinag-loan umano sila sa RJJ at pinapirma sa mga walang petsang tseke na pambayad sa utang sa loob ng 15 buwan.
Enero 2009 nang dumating sila sa Dubai pero wala naman palang naghihintay na trabaho para sa kanila. Hindi sila makapag-apply sa ibang kompanya dahil hawak ng Al Toomoh ang kanilang pasaporte. Dahil naubos na ang kanilang pera, napilitan silang ma nirahan sa tabi ng tambakan ng basura at mamulot ng scrap materials at ibinebenta sa junkshop para maibili ng pagkain. Mabuti na lang at tinulungan sila ng mga kapwa Pinoy.
Ayon kay Jinggoy, posibleng pasampahan niya ng kaso ang mga nagpa hamak sa Pinoy drivers.
- Latest
- Trending