^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagdag na diskuwento sa mga senior citizen

-

KAMAKAILAN, may nalathalang report na may ilang drugstores at fastfood chains sa probinsiya na hindi ino-honor ang mga discount card ng senior citizens. May mga sutil na hindi iginagalang ang ipinagkaloob na karapatan ng mga matatanda. Kaya hindi masisisi ang mga senior citizen na magpahayag ng kanilang sama ng loob. Hinihiling nila sa gobyerno na tulungan sila laban sa mga mapag-abusong may-ari ng drugstores at fastfood. Para ano pa at may batas na nilikha para sa mga senior citizen?

Twenty percent ang discount ng mga senior citizen kapag bibili ng gamot, kakain sa restaurant at mamamasahe. Pero sa panukalang batas ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. tiyak na magkakaroon ng sigla ang mga senior citizen sapagkat itataas ang discount sa gamot ng mga senior citizen. Mula 20 percent ay gagawin nang 32 percent. Positibo si Revilla na maipapasa ang ang kanyang Senate Bill 3153 para magkaroon ng kagaanan ang mga senior citizen kapag bibili ng gamot. Malaking tulong lalo pa sa panahong ito na marami ang nagkakasakit at kailangan ang gamot.

Ang 20 percent na discount ng mga senior citizen sa kasalukuyan ay maliit at halos wala ring mapaki­nabang ang mga matatanda. Kinakain lamang ng value added tax (VAT) ang 20 percent na discount. Sa batas ni Revilla, maaaring magkaroon ng kasagu­tan ang matagal nang dalangin ng mga matatanda na sana’y gumaan ang kanilang pasanin sa pagbili ng gamot.

Kapag naipasa nang mas maaga ang SB 3153, maaaring mauna pa itong mapakinabangan ng mga matatanda kaysa Cheaper Medicine Bill na ipinasa na noon pang nakaraang taon subalit hanggang ngayon, wala pang napapakinabang kahit singko ang mamamayan. Maraming nagtataka kung bakit nawala na ang mainit na isyu sa Cheaper Medicine Bill. Mapa­pakinabangan pa raw ba ito o tuluyan nang isang pangarap lamang.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay apektado ng financial crisis at marami nang nawalan ng trabaho, mara­ming nagkakasakit at wala namang maibili ng gamot. Maraming matatanda ang iginugupo ng karamdaman at kailangan ng gamot o pampaospital. Ang problema ay ang mahal na gamot. Sana nga ang batas ni Revilla ay maipasa para maraming matatanda ang maki­nabang — habang may lakas pa sila at tinatanggap pa ng katawan ang gamot.

CHEAPER MEDICINE BILL

CITIZEN

GAMOT

HINIHILING

MARAMING

REVILLA

REVILLA JR.

SENATE BILL

SENIOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with