^

PSN Opinyon

Kung tao kaya ang sipain ng kabayo?

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

“Kung ikaw kaya ang sipain ng kabayo, ano ang mararamdaman mo…” Ito ang matigas na katwiran ni Sen. Chiz Escudero sa interview ng BITAG sa kanyang tanggapan nitong Miyerkules ng hapon.

Minarapat na kapanayamin ng aming grupo si Sen. Escudero upang alamin kung ano ang mga napapaloob sa batas na Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act.

Ang batas na nagbabawal sa mga gawaing may kinalaman sa pagmamalupit sa mga hayop katulad ng horse fighting.

Kung may pangil nga ba ang batas na ito dahil sa lantarang labanan ng kabayo na nagaganap sa ilang bayan at lalawigan sa pulo ng Mindanao.

Diretsahan niyang sinabi sa BITAG, may batas tayo na dapat sundin subalit hindi umiiral.

Walang paliguy-ligoy na sinabi ni Sen. Escudero na wala namang problema sa batas kung ito ay sinusunod lamang subalit ang isang malaking tanong, sino ang dapat na mga nagpapatupad nito.

Ayon kay Sen. Escudero, may tinatawag na Animal Welfare Committee na kinabibilangan ng Department of Interior and Local Government, Bureau of Animal and Industry at marami pang iba.

Ang komiteng ito ang katulong ng gobyerno sa pag­papatupad o implementasyon ng R.A 8485. Subalit dagdag pa ni Sen. Escudero, nagtuturuan ang mga ito kung sino at paano ipapatupad ang batas na ito.

Dito, nangako si Sen. Escudero na sisilipin nilang mabuti ang batas at kakalampagin ang dapat kumilos sa pagpapatupad ng batas    na ito.

Nilinaw pa ni Sen. Es­cudero na hindi kailanman katwiran ang tradisyon, cultural at ispiritwal na da­hilan upang isagawa ang horse fighting lalo na’t   kung ito ay may halong pus­tahan o sugal.

Wala naman raw nasu­sulat na nasa tradisyon, kul­tura at ispiritual na as­pe­to ng mga Pilipino ang mag­ sugal kaya ika nga ‘‘no excuses”. Malinaw sa batas ito ay unlawfull act, ipi­ nag­babawal sa ating bansa.

Ngayong Sabado ng gabi sa BITAG, ipakikita ng aming programa ang lan­taran at walang habas na pagsasagawa ng horse fighting magmula sa Bu- kid­non, hanggang sa Da­vao del Norte.

ANIMAL WELFARE ACT

ANIMAL WELFARE COMMITTEE

BATAS

BUREAU OF ANIMAL AND INDUSTRY

CHIZ ESCUDERO

NGAYONG SABADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with