Paano namatay ang Apostoles?
TIYAK may aral sa kung paano namatay ang mga Apostoles:
Si Matthew ay minartir sa Ethiopia, sinaksak ng espada.
Pinakaladkad sa kabayo si Mark sa mga daan ng Alexandria, Egypt.
Ibinitay si Luke sa Greece habang kino-convert ang mga naliligaw.
Nilublob si John sa kumukulong tubig sa Roma. Nang mahimalang naligtas, itinapon siya sa minahan sa islang Patmos, kung saan inakda niya ang Book of Revelation. Kinalaunan pinalaya siya, at naging obispo ng Edessa, Turkey. Kaisa-isa siyang Apostol na mapayapang pumanaw.
Ipinakong patiwarik sa krus si Peter. Ito’y dahil sinabi niya sa mga nananakit na hindi siya karapat-dapat i-krus nang katulad ng Panginoon.
Hinagis si James the Just, hepe ng Simbahan sa Jerusalem, mahigit 100 piye mula tuktok ng Templo, dahil ayaw talikuran si Hesukristo. Nang mabuhay, pinagma maso siya. (Sa tuktok din ng Templo na iyon sinubukang tuksuhin ni Satanas si Kristo.)
Mangingisda si James the Great, anak ni Zebedee, nang sumapi kay Kristo. Kilalang lider Kristiyano, pinugutan siya sa Jerusalem. Mangha sa tapang ni James ang bantay na Roman centurion. Nag-Kristiyano ito sa harap ng huwes, at nagpapugot sa tabi ni James.
Misyonaryo sa Asya si Bartholomew, kilala rin bilang Nathaniel: ikinalat ang Salita sa Turkey; nilatigo hanggang mamatay sa Armenia.
Ikinrus din si Andrew, matapos latiguhin ng pitong sundalo. Nang papatayin na, nagsabi siya: “Matagal kong inasam ang maligayang oras na ito. Sagrado ang Krus sa katawan ni Kristo na isinabit dito.” Dalawang araw pa siyang nangaral mula sa krus hanggang mamatay.
Sinibat si Thomas sa India habang kinakalat ang Salita.
Pinagpapana si Jude dahil ayaw talikuran ang Salita ng Diyos.
Pinagpupukol ng bato saka pinugutan si Matthias, kapalit ni Hudas.
Pinagbabato rin si Barnabas sa Salonica, nang magturo sa Cyprus.
At si Paul ay pinahirapan bago papugutan ng malupit na Emperor Nero sa Roma nu’ng 67 A.D. Sa kulungan si- nulat ang maraming Epistles.
- Latest
- Trending