Hosanna Mahal na Araw na!
“PINAGPALA ang naparirito sa Ngalan ng Panginoon”. Tayong mga Kristiyano ay muli na namang nagsasama-sama na dala ng mga palaspas bilang tanda ng ating pagpupuri sa matagumpay ng pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, ang pook ng Kanyang paghihirap para sa kaligtasan ng bansang Israel. Pumapasok din Siya ngayon sa ating pananampalataya na muling ipaala-ala ang dakilang pagliligtas at pagpapatawad.
Punumpuno na naman ang ating mga simbahan ng mga palaspas na dala-dala natin upang mabendisyunan na kadalasan ay pawang pabendisyon lamang na di natin alam ang banal sa kahulugan. Kung ating titingnan ang buong bansa ay makikita nating tayo ay tunay na maka Kristiyano-Katolikong bansa. Katulad din ng larawan noong nakaraang Miyerkoles ng Abo. Ipinakikita sa atin na walang tunay ng lalim ang pananampalataya. Kung tuwing araw ng Linggo ay ganito na sama-sama tayong sumisimba ay masasabi nating tayo ay tunay at wagas na mga Kristyano. Ang tanong ko ay bakit? Pansamantala lamang ba ang ating pagsimba at naghihintay pa tayo ng mga tanging araw. Kadalasan ay ito lamang na LIMANG (5) “PPPPP” ang ating hinihintay para tayo ay pumasok ng simbahan: Pasko – 25 Disyembre (Christmas), Pista – pista ng bayan at simbahan (Patron Saints), Palaspas – Linggo ng Palaspas (Palm Sunday), Pagkabuhay – Pasko ng Pagkabuhay (Easter Sunday) at Patay – Araw ng mga Patay (Nov.02 All Souls Day).
Ito ang panahon upang pagsisihan natin ang kasalanang nagawa ng ating dila, tenga, mata at mukha ayon kay Isaias. Tulad sa Salmo ay nasasabi natin: “My God, my God why have you abandoned me?” Sa paghihirap ni Jesus ay nabigkas din niya subali’t sa tuwina ay di Siya pababayaan ang Kanyang Ama at atin ding Ama na ibinigay Niya sa atin.
Muli nating tanungin ang ating mga sarili. Ano bang magaganap sa atin ngayong Semana Santa o Mahal na Araw? Tayo ba’y magbabakasyon lamang, magpapahinga o muling magsisisi sa ating mga nagawang kasalanan? Nawa’y madama natin na ang kapayapaan sa darating ng linggo na maging kapayapaan din ng ating puso at isipan pagkatapos nating humingi ng kapatawaran.
Mk11-1-10; Is50:4-7;Ps22; Phil2:6-11 at Mk14:1-15;47
- Latest
- Trending