Isinakripisyo ni Tambunting.
(Huling bahagi)”
KAWALANGHIYAAN at panloloko, eto ang nabanggit ng hepe ng legal division ng Bureau of Internal Revenue sa ginawa ng Tambunting Holdings and Management sa kanilang dating empleyado.
Bagamat hindi kami pinahintulutan ni Atty. Maperopa Cantillep na interviewhin siya sa harap ng camera, ikinasa ng BITAG ang aming candid camera.
Naniniwala kami na walang anumang masama o foul sa mga sinabi ni Atty. Cantillep kung kaya’t inilabas namin ang nasabing candid ‘camera interview.
Sa katotohanan ay naawa pa si Atty. Cantillep sa kasama naming biktima dahil maging siya, ng makita ang itsura at kalagayan ni Ruchel, kumbinsidong hindi nga ito ang presidente ng Galleon Pawnshop sa Tabacco, Albay.
Hindi na raw sila nabibigla sa mga kasong tulad nito dahil may mangilan-ngilang mapagsamantalang kum-panya ang gumagamit ng pangalan ng kanilang mga em pleyado bilang dummy na opisyales ng kanilang negosyo.
Estilo raw ito ng mga magagaling na kumpanyang gustong takasan ang kanilang pananagutan sa BIR tulad ng pagbabayad ng buwis.
Ayaw nilang madungisan ang kanilang pangalan kaya’t para hindi habulin, makasuhan at malagay sa kahihiyan ang kanilang pangalan, mga kawawang inosenteng empleyado ang sasalo ng parusa ng kanilang katiwalian.
Dahil dito, itinawag ni Atty. Cantillep sa BIR Tobacco, Albay ang kaso ni Ruchel. Dito, nakausap niya mismo ang abogadong nagsampa ng kasong tax evasion kay Ruchel sa pangalan ng Galleon Pawnshop.
Nakaiskedyul si Ruchel na pumunta ng Bicol upang gumawa ng affidavit upang linisin ang kanyang pangalan.
Nakatakdang samahan ng BITAG si Ruchel sa pagkakataong ito at dito, matutuklasan ang mga kasong tinatawag na Run After Tax Evasion o RATE.
Hindi pa kami tapos sa kasong ito at hindi kami papayag na walang mananagot sa problemang ito. Sisiguraduhin ng BITAG na mabubukulan ang da- pat mabukulan!
- Latest
- Trending