Atty. Bebot Balisado, bakit? (2)
THE other week, nalathala sa kolum na ito ang umano’s pang-aabuso ng pangulo ng Katarungan Village Homeowners Association (KVHA) na si Atty. Bebot Balisado, at ang mga alegasyon ng mga nagrereklamong residente ay agad namang pinabulaanan ng abogado nito na si Atty. Miguel C. Morales sa pamamagitan ng letter na ipinadala niya sa office.
Ayon sa letter ni Atty. Morales, ang umanong “encroachment” na ginawa ni Atty. Balisado sa loteng katabi ng kanyang pag-aaring lote ay kasalukuyang nang dinidinig na ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) kaya dinamarapat pa na pag-usapan.
Bakit naman?
Sabi ni Atty. Morales, ang isyung nabanggit sa kolum ay “simpleng problema lamang na matagal nang inaayos ng KVHA at hindi na dapat pang idulog sa mayor ng lungsod.
Ayon kay Morales, ang mga isyung binabato sa kanyang kliyente ay pawang gawa-gawa lamang ng mga katunggali nito lalo na at nalalapit na ang eleksyon para sa mamumuno sa KVHA.
Ika nga, April 26 ang judgement day. Hehehe!
Nais ipaalam ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Atty. Morales na hindi knowing ng Chief Kuwago na may pending case na pala sa HLURB ukol dito.
Ang naging basehan ng Chief Kuwago ay ang mga reklamo ng ilang mga residente ng village na hiningi ang aking tulong upang mabigyan pansin ang matagal nang nilang problema.
Pina-imbestigahan ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa city hall ng Muntinlupa at nakakuha naman ng copy ng report ng Engineering Office tungkol sa isyu.
Lumalabas na matapos mabasa ang kolum ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong March 24 ay agad ipinag-utos ni Mayor Aldrin San Pedro, sa pamamagitan ng kanyang city administrator na si Roberto M. Bunyi, na imbestigahan ang nasabing problema at magbigay ng kaukulang report regarding this matter.
Para po sa kapakanan ng madlang people dyan sa Muntinlupa ilalathala ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang laman ng nasabing report ng walang dagdag na komento para ang mga mambabasa na po ang humusga kung sino ang nagsasabi ng totoo.
“Further to the instruction of the City Administrator to conduct inspection on and/or verification about the alleged encroachment and illegal construction at the open space at Katarungan Village, this City, it is informed that as early as February 27, 2009, an ocular inspection had been conducted by three of our technical personnel on the above referred open space, as shown in the attached report dated March 13, 2009.
The said open space, designated as Lot 35, Block 7 of the approved subdivision plan, had been encroached upon by as much as one hundred fifty six (156) square meters by the structures constructed by one Atty. Vicente A. Balisado, owner of adjacent lots 1 and 2 thereof.
For your information, Sir.
Engr. Eduardo D. Bautista
Head, Geodetic Survey and Planning Division”
NGAYON, ANO MASASABI MO ATTORNEY?
Atty. Biong Garing, FEU Law alumni Asso. President
NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, at may bagong ng panggulo este mali pangulo pala ang FEU Law Alumni Association sa katauhan ni Atty. Silverio R. Garing.
Sabi nga, congrats Biong!
Mataas ang tingin ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Kuyang Biong dahil hindi matatawaran ang integridad nito at siempre ang kanyang pagkatao sampu ng kaniyang family.
Si Supreme Court Chief Justice Reynato S. Puno pa pala ang naging inducting officer ng FEU Law Alumni Association year 2009-2010 kaya naman natutuwa ang kanyang mga panyero.
Bukod kay Atty. Garing, ang mga official na nahangal este mali nahalal pala ay sina Attys. Aristotle Q. Sarmiento, Executive VP/ Director, Pedro R. Lazo, Assistant EVP/director, Justice Myrna D. Vidal, VP Luzon/director, Rolando L. Villones, VP Visayas/ director, Judge Nancy R. Palmones, VP Mindanao/director, Judge Amelia Tria Infante, VP Public Sector. director, Reynaldo D. Robles, VP Private Sector/director Rogelio A. Mendoza, VP External Affairs/director, Vivian M. Paguirigan, Secretary/director, Marilou A. Chan, Treasurer. director. Edwin R. Abella, Auditor/director, Marita Iris B. Laqui, Media Relations. director, Francisco M. Nob, Protocol officer.director, NBI Director Nestor M. Mantaring, director, Loreto C. Ata, Immediate Past President/ Ex- Officio director at Salvador B. Brianico, Chairman Council of Past Presidents.
Sabi nga, Kuyang Biyong pagbutihin mo at mataas ang pagtingin sa iyo ng FEU Law Alumni Associaton.
Ika nga, Congratulations to all!
- Latest
- Trending














