^

PSN Opinyon

Napurnadang graduation.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

BUWAN ng Marso, buwan ng pagtatapos ng mga pasok sa eskuwelahan.

Mapa- elementarya, high school at kolehiyo, pam­publiko o pribadong paaralan, kanya-kanya na ng akti­bidades sa paghahanda sa tinatawag na graduation.

Kaya naman sa buwang ito, sunod-sunod ang pag­dadagsaan ng mga estudyanteng nagrereklamo sa aming tanggapan. Isinusumbong nila ang mga anomalya umano sa kanilang eskuwelahan.

Merong malaki ang bayaran sa graduation, may naka­away na school official at mapupurnada ang pagmartsa at mga hindi ga-graduate mismo dahil sa katakut-takot na requirement na hinihingi ng kanilang pinapasukan.

Mga estudyante sa kolehiyo pa nga ang grupo-grupong nagpupunta sa BITAG. Karamihan pa sa mga ito, mga nursing students sa isang eskuwelahan mula pa sa probinsiya.

Umano’y may subject daw na idinagdag sa kanilang curriculum nang hindi nalalaman ng Commission on Higher Education. Ayon naman sa CHED, requirement daw ito na tinatawag na Nursing Review.

Natuklasan ng BITAG, kinuha naman pala ng mga estudyanteng ito ang nasabing Nursing Review subalit hindi sila pumasa.

Ang kanilang reklamo, malabo raw na bumagsak sila sa Nursing Review dahil pasado naman sila sa lahat ng subjects. Ang siste, hindi sila ga-graduate dahil nga sa pangit na resulta ng kanilang Review.

May remedial o removal na ibinibigay ang kanilang eskuwelahan sa mga hindi pumasa, second chance ika nga.

Subalit hindi kumuha ang mga nagrereklamong estud­yante dahil ipinagpipilitan nila ang kanilang paniniwala na hindi sila bumagsak sa     na­sabing review.

Sa madaling salita, dahil hindi sila kumuha ng remedial o removal hindi na sila maka­ka-graduate sa katapusan      ng buwang ito.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo at pinayuhan ang mga estudyante. Mga nagma­madaling grumaduate subalit hindi naman sinusunod ang kinakailangan at patakaran ng eskuwelahan para sa kanilang pagtatapos.

Sa bibig mismo ng isa ni­-lang kaklase, 80% ang pu­ masa sa nasabing review at ang bu­­mu­buo sa mga es­tud­yan­­teng nagtungo sa aming tang­gapan ay ang natitirang 20% na lumagpak. Tsk tsk tsk

AYON

HIGHER EDUCATION

ISINUSUMBONG

KANILANG

NURSING REVIEW

SHY

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with