^

PSN Opinyon

Ed Zialcita muy pobresito!

- Al G. Pedroche -

KAWAWA naman ang kaibigan kong singing Representative na si Ed Zialcita ng Parañaque. Bugbog-sarado sa katakutakot na banat kaugnay ng umano’y anomalya sa pre-need company na Legacy Group.

Panahon pa ni President Cory ay magkakilala na kami ni Rep. Ed. Isa siya sa mga top brass sa Malacañang press office noon at ako’y isang hamak na reporter na kumokober kay Tita Cory. Panahon noon ng mga “insulares at peninsulares” at dahil tisoy si Ed, isa siya sa mga binibirong peninsulares.

Malapit na ang eleksyon at panahon ngayon ng demolisyon. Lantaran ng baho! Kung balak mong tumak­bo sa ano mang posisyon, asahan mong tatargetin ka ng mga makakasagupa mo lalu na kung isa kang strong contender. Asahan mo ang mga mudslinging na pakana ng mga shrewed politicians. Pati nga ebidensya ay puwe­deng imbentuhin.Lulutang ang mga false witness sa “magkanong dahilan”. The bottom line is to destroy the political enemy. Iyan ang sakit ng politika hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Pero tila masahol ang ganyan sa sarili nating bayan.

Kahit daw walang ibinulsang donasyon si Zialcita, nadidiin pa rin ang kanyang pangalan sa anomalyang ito. Naku, iyan talaga ang hirap kapag kongresista ka. May mga donasyon which you take in good faith para sa pakinabang ng iyong constituents. Yun pala, ang nagdo­nasyon ay sasabit sa kapalpakan!

Katuwiran ni Ed, ginamit niya ang donasyon sa lib­ reng pampapalibing sa kanyang distrito, bukod pa sa iba-ibang social assistance. Aniya, well accounted for ang sa­lapi. Inaakusahan pa si Ed na nakipagsabwatan sa kanyang pinsan na si retired SEC commissioner Jesus Martinez para pro-tek­syunan ang Legacy sa kinakaharap nitong asunto. Magpinsan sina Ed at Mar­tinez kaya natural lang na makitang magkasamang nagkakape.

Hindi nga na­man ito ma­ituturing na ebi­densya na nagsasabwatan sila para sa proteksyon ng Legacy. Ang tanging kasa­lanan siguro ni ED, kung mata­tawag na kasalanan ay ang pagiging magpinsan nila ni Martinez (LOL).

Ideally, dapat iwasan ang pagtanggap ng donas­yon para makaiwas sa mga kontrobersya. Pero in the last analysis, bakit naman aayawan ang donasyon lalu na kung laging huli ang pagdating ng inaasahang development fund para sa mga mambabatas? Araw-araw kasi, parang pila sa Wowowee ang mga taong lumalapit sa Kongresista para humingi ng tulong-KBL (Kasal-Libing-Binyag). Kung wala kang pondo, matutuyo ang iyong bulsa.

Rep. Zialcita, just console yourself with the thought na ginigiba ka dahil isa kang matinding kalaban sa 2010 ano mang posisyon ang balak mong pasukin.

ED ZIALCITA

JESUS MARTINEZ

LEGACY GROUP

PANAHON

PARA

PERO

PRESIDENT CORY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with