^

PSN Opinyon

Tinimbang ngunit kulang

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

MARAMI ang nag-react sa aking column last week na  ONE MAN, ONE VOTE. Sinang-ayunan ko ang panukala ni Senate President Juan Ponce Enrile na dagdagan ng 100 ang bilang ng congressmen dahil sa pagtaas ng   bilang ng populasyon ng Pilipinas. Ayon sa Saligang Batas, Art. VI, Sec. 5 (3) … Each city with a population of at least two hundred fifty thousand, or each province, shall have at least one representative. (4) Within three years following the return of every census, the Congress shall make a reapportionment of legislative districts    based on the standards provided in this section.

Malinaw na may obligasyon ang Kongreso na ayusin na ang pagtalaga ng legislative districts upang isalamin ang nagbagong anyo ng ating populasyon. Subalit marami ang diskumpyado. Una, more congressmen daw equals more budget, more pork barrel, more unproductive officials, more corruption. Pangalawa, gagamitin daw ito sa Charter change. At tingnan na lang daw ang America. 306 Million na ang bilang ng Amerikano subalit 435 lang ang kanilang congressmen. One is to 700,000 ang average proportion. Dito sa atin, 88 million ang Pinoy with 220 congressmen. Mas maganda ang proportion, one is to 400,000 ang average. Bakit dadagdagan pa? Hindi maikakaila ang bigat ng mga kontra argumento. Pero sa huli ay dapat pa rin mang­ibabaw ang mandando ng Saligang Batas habang hindi pa ito napapalitan.

Kung tutuusin may paraan upang huwag na tumaas  ang bilang ng congressman na hindi rin lalabag sa kautusan ng Konstitusyon. Ito ay kung baguhin na lang ang pag-guhit ng boundary ng legislative districts. Sa average ngayon na 1 is to 400,000, pasok pa rin naman ang bilang na 220 elected congressmen sa 88 million population  kung sundan ang patakarang 1 for every 250,000. Kung talagang kailangan ay ang mga congressman ay kaka­ tawan sa mga galing sa magka­ibang mga lungsod at probinsiya upang mag­pan­tay lang ang bilang ng mga nakatira sa distrito. Example: Congressman A representing Tondo and Navotas.

May tensiyong haha­rapin sa anumang panu-kala na maghahatid ng pagbabago.

Kung ito ang kailangan upang maisaayos ang hindi makatarungang distri­bus­yon ng boto sa kasalu­ku­- yan, dapat lang na ito’y tiisin na upang maging magkasing-timbang ang boto ng bawat Pilipino sa lalong madaling panahon.

AMERIKANO

AYON

BAKIT

BILANG

CONGRESSMAN A

SALIGANG BATAS

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SHY

TONDO AND NAVOTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with