^

PSN Opinyon

JIL di dapat makaladkad sa 'Legacy scam' issue

- Al G. Pedroche -

MAY mga kumalat na balita na itong si Securities and Exchange Commission Commissioner Jesus Martinez ay sinipa daw sa pagka-miyembro ng Jesus is Lord Church (JIL). Pero ayon sa pamunuan ng JIL, paano siyang mati­tiwalag eh, ni hindi naman pala miyembro itong si Mar-tinez ng naturang Christian Church?

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Bro. Eddie Villa­nueva. Ngunit ayon sa executive secretary niya na si Edith Mendoza kakatwa o “absurd” ang alegasyong ito na si Martinez ay sinipa sa JIL.

Alam na ng marami na si Martinez ay nasa hot water ngayon. Batay sa mga tseke na nagsilbing ebidensya sa pagbusisi ng Senado sa Legacy scam, lumalabas na tumanggap siya ng milyones mula sa nabangkaroteng pre-need firm ni Celso delos Angeles. Sayang, magre­retiro na sana itong si Martinez pero mukhang wala siyang tatanggaping benepisyo dahil sa anomalyang kina­sasangkutan niya ngayon.

Sabi ni Sis. Edith, ang sinasabing pagkakatiwalag ni Martinez sa JIL ay kakatwa. “That is absurd because in the first place, based on our church records, Commissioner Jesus Martinez has never been a member of JIL,” she clarifies.  

Sa sinasabing si Bro. Eddie ang nag-endorso para makakuha ng posisyon si Martinez sa SEC, nilinaw ni Sis. Edith na ginagawa ito ni Bro. Eddie sa lahat ng ina­akala niyang kuwalipikado sa posisyon. It so happened na may kredensyal si Martinez para maupong komis­yunado ng SEC.

Kahit sa akin ay may mga lumalapit na tao kung min-san at humihingi ng referral letters. Kung inaakala kong nararapat tulungan ay bini­bigyan ko sila ng rekomen­dasyon for medical or legal assistance at iba pang uri ng tulong na kaya kong ibigay.

Masaklap nga lang at tila nagkamali si Bro. Eddie sa pag-endorso kay Martinez although I believe that this man must be given a day in court. Absuweltuhin kung inosente at parusahan kung nagka­sala. But in the last ana­lysis, kung totoo man ang mga ale­gas­yon kay Martinez ay wala nang   ki­nalaman si Bro. Eddie doon.

Kaso, tila hindi mapigilang sumakay sa usaping ito ang ilang sector. Isa kasi sa mga potensyal na presidential timber si Bro. Eddie para sa 2010 and we can only expect his political detractors to wait for openings to attack and malign his person. Kaya sa­na’y hu­ wag nang gawing usa­pin ito para kaladkarin ang mga taong wala namang ki­nala­-man. Sabi nga ni Sis. Edith, “Let us just stick to the issues at hand and vigilantly keep watch until the truth comes out and justice is served to the helpless victims of this multi-million corruption case.  This is what the investi­gation is   supposed to achieve.”

ABSUWELTUHIN

CHRISTIAN CHURCH

COMMISSIONER JESUS MARTINEZ

EDDIE

EDDIE VILLA

EDITH MENDOZA

LORD CHURCH

MARTINEZ

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with