^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Rebelyn Pitao: Guro

-

GALING sa St.Peter’s College sa Toril District, Davao, si Rebelyn Pitao noong Biyernes at pauwi na sakay ng isang traysikel nang harangin umano ng mga sandatahang kalalakihan at sapilitang isinakay sa isang puting van. Ayon sa traysikel drayber, naririnig pa niya ang pagsigaw ni Rebelyn na humihingi ng saklolo habang nasa loob ng van. Nang araw ding iyon, natagpuan ang bangkay ni Rebelyn malapit sa isang irigasyon sa bayan ng Carmen, Davao del Norte. Palatandaang pinahirapan siya bago pinatay. May mga bakas ng tali sa leeg. Ang kanyang ari ay mayroong ipinasak na matigas na bagay.

Si Rebelyn, 20, ay anak ni Leoncio Pitao, alyas Commander Parago ng New People’s Army-Pulang Bagani Command. Ayon kay Commander Parago, walang ibang makagagawa ng karumal-dumal na krimeng iyon sa kanyang anak kundi military. Matagal na umano siyang gustong makuha ng military pero bigo ang mga ito kaya ang kanyang anak na guro ang pinagbalingan. Ang lahat daw umano ng kanyang mga anak ay tinutugaygayan ng military noon pa.

Habang nagsasalita umano si Commander Pitao, ay nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Subalit ang pagkamatay daw ng anak ay hindi makapipigil sa kanilang ipinaglalaban. Nakapag­bigay pa raw ng inspirasyon ang pagkamatay ng anak para sila magpatuloy sa sinimulan. Darating din daw ang araw na ang pumatay sa kanyang anak ay magbabayad sa kanilang pagkakautang.

Karumal-dumal ang ginawa kay Rebelyn na nag­kataon pa sa paggunita ng International Women’s Day. Nilapastangan ang kawawang guro. Kung military ang may kagagawan ng kanyang kamatayan, sobra na itong pagyurak sa dangal ng kababaihan. Walang kalaban-laban ang mahinang guro. Ano ang lakas niya sa mga sandatahang kalalakihan?

Ipinag-utos na ni President Arroyo ang mabili­sang paglutas sa pagpatay kay Rebelyn. Isa raw itong ma­tinding paglabag sa karapatang pantao kaya nara­rapat na mahuli at maparusahan ang mga may kaga­gawan. Nararapat maisilbi ang hustisya sa kawawang guro.

Sana nga ay mangyari ang mga sinabi ni Mrs. Arroyo. Hindi dapat hayaan na kumalat pa ang mga may kagagawan sa karumal-dumal na krimen. Mawawalan lalo ng tiwala ang taumbayan sa gobyerno kapag ang kasong ito ay ililibing lamang sa limot. Hindi pangka­raniwan ang krimeng ito na ang isang guro ay walang awang pinatay dahil siya ay anak ng isang NPA. Isilbi ang hustisya kay Rebelyn.

vuukle comment

ANAK

ARMY-PULANG BAGANI COMMAND

AYON

COMMANDER PARAGO

COMMANDER PITAO

DAVAO

INTERNATIONAL WOMEN

KANYANG

REBELYN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with