^

PSN Opinyon

May mga oportunidad pa kahit krisis

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Sa panahong ito ng krisis, magtataka ka na marami pa ring mga kumpanya ang naghahanap ng mga trabahador. Ang pinagkaiba lang ay mga trabahador na hinahanap ay mga may galing sa dunong sa ibat’t-ibang bagay. Isa na rito ang mga nagtatrabaho sa sektor ng kalusugan. Kasama na diyan ang mga duktor, nurse, med tech, at mga aide sa ospital. Sa Saudi lang ay nangangailangan sila ng halos apat na libong mga propesyonal sa sektor ng kalusugan. Malakas pa rin ang pangangailangan ng nurse sa maraming bahagi ng mundo. Imbis na sa Amerika lang ang puntahan, mga bansa sa Gitnang Silangan at sa hilagang Asya ay mga alternatibong lugar kung saan makakahanap ng trabaho.

Napupuno rin ang TESDA ngayon ng mga nag-aaral at nagsasanay sa iba’t-ibang galing, katulad ng welding. At mga babae pa nga ang karamihang pumapasok na dito. Mataas rin kasi ang pangangailangan ng mga welder sa ibang bansa. Kaya kahit nagkakapaso-paso ang mga braso ng mga mag-aaral, kung may trabaho namang naghihintay sa kanila na magbibigay ng disenteng sahod, okay lang iyon! Kung baga, lumilipat lang ang pangangailangan ng trabaho. Maaaring sa teknolohiya at electronics ay bumababa na ang pangangailangan, tumataas naman sa manufacturing. Mataas rin ang pangangailangan ng mga sundalo at pulis mismo sa ating bansa. Kulang na kulang sila sa tao, kaya matindi rin ang pag-aakit nila na pumasok sa mga paaralan nila. Ang problema lang, ay kailangang ayusin at pagandahin ang imahe ng pulis. Walang argumento na malaki ang bahid ng pulis pagdating sa pagsunod na mismo sa batas. Ang imahe ng pulis ay hindi mo ito lalapitan para humingi ng tulong, kundi lalayuan mo pa! Mas pinupuntahan ang media para sa tulong na hindi naman dapat, dahil may pulis nga. Ganun din sa sundalo, bagama’t sa mas mababang aspeto at insidente. Sa ibang bansa maganda ang propesyon na pulis at sundalo, kasi malilinis ang imahe nila at tunay na tagapagtanggol sa mamamayan. Dito, marami pang anomalya, pati na krimen na sangkot mismo ang pulis. Matagal na nating hiling at dasal na sana ay magbago na ito.

Marami pa ring oportunidad kahit sa panahon ng krisis. Kailangan mo lang hanapin, at magsakripisyo ng konti para hindi ka tamaan ng matindi. Malayo ang mararating ng konting pag-aaral at pagsasanay. Base sa kasaysayan, lilipas rin ang krisis na ito. Ika nga, kailangan marunong kang lumangoy para maiangat mo lang ang ulo mo sa ibabaw ng tubig.

AMERIKA

ASYA

DITO

GANUN

GITNANG SILANGAN

LANG

MATAAS

PULIS

SA SAUDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with