ABALANG-abala ang mga Pilipinong nakasalamuha ng BITAG nitong nakaraang linggo, huling mga araw ng Pebrero sa Baguio sa Cordillera.
Ito ay dahil sa selebrasyon ng taunang Panagbenga Flower Festival. Kanya-kanyang preparasyon, kanya-kanyang dayo sa mga tourist spot ng Baguio, masuyod lamang ang Summer Capital of the Philippines.
Subalit iba naman ang naging pakay ng BITAG kung bakit namin inakyat ang popular na lugar sa rehiyon ng Cordillera.
Ito’y upang kumpirmahin ng aming grupo ang “pata- gong kalakalan” ng bentahan ng karne ng aso.
Magmula low end o pinakasimpleng karinderya, ma pamid-end hanggang sa high-end restaurants sa Baguio ay patagong naghahain ng karneng aso sa kanilang mga kostumer.
At bago ka bigyan ng paboritong karne ng aso, dapat alam mo ang kanilang magic word na “dog”.
Ang siste, ang mga kostumer sa mga kainang napa-sok ng aming mga undercover na pangunahing parukyano ng karneng aso ay mga Koreano.
Hindi lamang sa mga kainan, maging sa palengke, patago rin ang bentahan. May taktikang ginagamit ang mga tindero’t tindera sa palengke ng Baguio upang ang asong kanilang kinatay ay mapagkamalang kambing.
Oo nga naman, kapag itsurang kambing na ang aso, hindi na ipinagbabawal ito. Isa pang estilo ng mga ito ay ang pagkilatis sa kanilang mga mamimili.
Kapag hindi ka marunong mag-Ilokano at Tagalog ang salita mo, sasabihin nila “wala kaming tindang aso, bawal dito ‘yun”. Dapat rin ay mukha kang Tsekwa para akalain nilang isa kang Koreano, sigurado mabebentahan ka ng karneng aso.
Natuklasan din ng BITAG na hindi lang pampulutan sa pana-hon ngayon ang karneng aso, pang-ulam na rin. At lahat ng parte ni “bantay” lalo na ang ulo, hindi pinapatawad na ihahain sa iyong lamesa.
Abangan ngayong Sabado ang imbestigasyon ng BITAG sa patagong industriyang pagbebenta ng karneng aso.
Babala sa mga mahihina ang sikmura, mga nakakadiring videos at makabaligtad sikmurang eksena ang inyong mapapanood.