^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung me kaso, dapat pagbawalang tumakbo

-

MARAMING naiisip na panukalang batas ang mga mambabatas pero walang makapagpa­nukala ng batas na magbabawal sa mga may kaso na tumakbo sa election. Kung anu-anong batas na ang ilan naman ay walang katuturan ang kanilang sinusulong at pinag-aaksayahan lamang na pana-hon. Nakakaligtaan nila ang mahahalaga at maili-ligtas ang bansa at taumbayan mismo sa mga taong pu­mapasok sa pulitika kahit may mga kasong na-ka­sampa. Kaya naman, marami ngayon ang tina­tawag na “representa-thieves” “tonggressman” at “sena-tong”.

Nakakatakot kung ang isang dating naakusahan ng katiwalian at isinalang na sa imbestigasyon ng Senado ay makakapiling at magiging kapwa ka­mam­babatas. Kakahiya kung ganyan ang kalala­ba­san sa hinaharap.

Hindi malayo na ganito ang maging senaryo sa hinaharap kapag hindi nakagawa ng batas na mag-ba­bawal sa pagtakbo ng sinumang may nakasam­pang kaso. Maraming mauupo na may dungis at ano ang kanilang gagawin para mapaniwala ang taum-bayan na tapat sila sa sinumpaan.

Isang magandang halimbawa rito ay ang pagtakbo umano ni dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante. Umano’y balak tumakbong kongre­sista ni Jocjoc sa kanilang bayan sa Dao, Capiz. May­roon din namang report na governor ang tatakbuhan ni Jocjoc. Hindi pa umano kumpirmado kung ano ang tatakbuhan ng dating Agriculture Usec. pero ang sigurado, tatakbo siya sa public office sa 2010 elections. Si Jocjoc na tinaguriang arkitekto ng P728-million fertilizer fund scam ay matagal na nagtago sa United States bago napabalik dito sa bansa. Kung hindi na-reject ang kanyang visa application, mala­mang na pakuya-kuyakoy na siya sa US.

Sumikat na si Bolante at malamang na ito ang maging behikulo niya para makapasok sa pulitika. Gagamitin niya ang eskandalong pinasukan para makinabang. Kung makapasok sa pulitika si Bolante, hindi siya ang unang nakagawa nito kundi marami na.

Kung talagang seryoso ang mga mambabatas, dapat ang batas na magbabawal sa mga maykaso na tumakbo sa election ang kanilang iakda. Hindi dapat makaupo ang mga may dungis. Paano sila magiging halimbawa?

AGRICULTURE USEC

BOLANTE

CAPIZ

GAGAMITIN

JOCJOC

KUNG

SHY

SI JOCJOC

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with