^

PSN Opinyon

Babala ng BITAG sa mga oportunista

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

BINABALAAN ng BITAG ang mga oportunistang nagre­reklamo na dumadating sa aming tanggapan. Huwag na huwag ninyong gagamitin ang pangalan ng Mission X at BITAG, makuha lamang ang inyong gusto sa mga taong inirereklamo ninyo.

Hindi panakot ang aming programa. Malalaman namin kung ano ang tunay ninyong intensiyon sa paglapit sa amin. Katulad ng ginawa nitong si Jun Alexter Ferrer, isang dating reporter daw sa radio. Mukhang basang    sisiw si kolokoy nang magpunta sa BITAG Action Center. Ang kanyang inirereklamo, naloko raw siya ng isang nagpang­gap na NBI agent. Sa halagang P7,000, mag­kakaroon na raw siya ng lisensiya sa kanyang baril at may bonus pang I.D. at tsapa ng NBI.

Subalit nang ibigay sa kanya ang lisensiya ng baril, peke ito at ang nakapirma pa ay ang dating PNP chief na si Gen. Razon. Inamin niya ang kanyang katangahan at kakuriputan, sa maliit na halaga lamang daw at sa kagus­tuhan niyang makatipid ay lumapit siya sa bogus na ito.

Subalit nang magsimula ng magtrabaho ang Mission X at BITAG, nang magpadala kami ng mga undercover na kunwari’y kukuha rin ng serbisyo ng pekeng NBI Agent, natuklasan namin ang isang bagay. Bukod sa pekeng lisensiya, modus rin nitong nagpapanggap na NBI na mag-recruit ng mga special agents daw sa Antipolo.

Pagmamalaki pa ng mokong na ang magiging traba-ho nila ay manghuli ng mga ilegal na negosyante at establisimento sa Anti­ polo pagkatapos ay pe­pe­rahan lamang.

Tatakutin lang daw nila ang mga ito na areg­luhin na lang ang kaso upang hindi na makara­ting sa main office nila sa Maynila. Ang siste, kaya sila may ID at tsapa ng NBI ay upang kilalanin sila na mga ahente ng nasabing tanggapan.

Ito ang nilalaman ng aming undercover camera na ipinapanood ng BITAG at Mission X kay NBI Director Mantaring. Agad itong bumuo ng isang grupong tutuldok sa maitim na balak ng impostor na NBI.

Matagumpay na nai­sa­gawa ang entrapment operation laban sa sus­pek subalit nagawa ni­tong sunugin ang lahat ng pekeng dokumento na ipinakita niya noon sa aming undercover. Ang siste, natimbrehan na sila ng hinayupak na reporter na si Jun Alexter Ferrer. Sa sobrang takot ng sus­pek, nangumpisal ito sa amin kaharap ang mga ahente ng NBI-Anti Terro­rism Department.

Pangungumpisal ng kolokoy, sinabihan na daw siya ng hambog na reporter na tinatrabaho na siya ng Mission X at BITAG kaya’t mag-iingat na raw siya sa pakikipag­transaksiyon sa aming undercover. Binalaan daw siya ni Ferrer mata­ pos niyang ibalik ang P7,000 ibinayad sa kanya noon.

O para sa’yo Jun Alexter Ferrer, magtagu-ta­go ka na, dokumentado ang pagmumukha mo   ng mga CCTV camera sa aming opisina. Huwag lang magkasalubong ang mga landas natin, hindi mo ma­gugustuhan kapag ikaw ang trinabaho ng BITAG.

ACTION CENTER

ANTI TERRO

BITAG

DIRECTOR MANTARING

HUWAG

JUN ALEXTER FERRER

MISSION X

NBI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with