^

PSN Opinyon

Dalawang pulis na namatay habang tumutupad sa tungkulin

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

Dahil sa selos, pumatay ng dalawang pulis at nag­da­may pa ng isang drayber ng pampasa­herong jeepney ang sundalong si Master Sergeant Aris-totel Calagui. Mukhang nagkulang sa pag­disiplina ang Armed Forces of the Philippine (AFP) sa kani­lang mga tauhan.

Ayon sa impormasyon na aking nakalap, nag-    ugat ang pag-iinit ng dugo ni Calagui nang magtu- ngo umano kasa­ma ng kanyang live-in parner na si Christina Naroles, alias “Tintin” sa kaanak ng sus­ pek sa Navotas.

Labis umano ang pagkagalit ng suspek kay    Tintin ng maging malambing umano ang pakiki­tu-ngo sa mismong kapatid ni Calagui kaya nilu­nod nito ang sarili sa alak. At nang malasing umano ito ay pinag­bubugbog si Tintin. Matapos ang pambu­bug­bog, inaya ni Calagui si Tintin na umuwi na sa kanilang tahanan sa Taguig City. Habang nakasa­kay sila sa jeepney, sinabihan umano ng suspek si Tintin na papatayin ito pag­dating sa kanilang tahanan.

Sa takot sa banta ng suspek, gumawa ng eksena si Tintin habang sila’y naglalakad sa Monumento, Caloocan City na nakatawag pansin sa dalawang pulis na sina PO3 Joel Villarmino at PO1 Victor Monde­jar naka-assign sa Police Community Presinct-1.

Sa puntong ito, agad na inimbitahan ng mga pulis si Calagui na sumakay sa patrol car na mul­ ticab upang sa presinto mag-usap ang mga ito. Subalit nang­ ma­isakay na ang mag-live-in partner, puma­lag uma­ no si Calagui at sinabihan ang da­lawang pulis na away mag-asawa lamang ito at kasabay ng pagpa­ pakilala na isa siyang sundalo. Mahina­hon na­man umanong pinapa­yapa ni PO3 Mondejar si Calagui at sinabi rito na “May reklamo ang iyong asawa na sobrang pambu­bugbog kaya sa presinto na lamang kayo mag-usap upang magkalinawan.” Sa puntong ito, agad bumunot ng baril si Calagui at pinapu­tukan nang sunud-sunod si Mondejar na ikinahulog nito sa mul­ticab. Kahit duguan at nakahan­dusay sa kalsada si Mondejar, pinaputukan pa ito ng ilang beses.

Bumaba naman ng sasakyan si PO3 Villar­mino upang saklolohan si Mondejar subalit binaril din    siya ng suspek at humandusay din siya sa kalsada sa mismong Monumento circle. Tina­maan naman ng ligaw na bala si Celso Ehemplo.

Agad tumakas si Calagui patungong Mc-Arthur Highway dala ang kanyang cal. 45 at ang inagaw na 9mm na baril ni Mondejar. Isang pulis Ma­labon, si PO1 Ogalesco na pasakay na ng jeep patungo sa presinto ang nakata­wag ng pansin sa suspek. Dahil walang baril si Ogalesco, na­pilitan na lamang siyang sundan si Calagui hang­gang sa masalubong niya si PO2 Cuevas na kasa­lukuyan na nag-aa­bang ng masasakyan. Agad na kumilos ang dalawa at sa loob ng SOGO Apartelle ay nakorner at nadis­- arma­han ang suspek.

Nabugbog ng taumbayan si Calagui nang ila­bas ng dalawang pulis. Dala siguro sa sobrang galit nang patayin ang mga matitinong pulis. Sa ngayon buong Caloocan Police ang nagluluksa sa pagka­matay     nina PO3 Villarmino at PO1 Mon­dejar.

Gen. Leopoldo Bataoil, dapat mong paranga­lan ang kadakilaan nina Villarmino at Mondejar na nama­tay habang tumutupad sa tungkulin. Di ba Sir?

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINE

CALAGUI

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

CELSO EHEMPLO

MONDEJAR

SHY

TINTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with