Dating OFW, very successful businessman na ngayon
ISANG dating overseas Filipino worker (OFW) ang isa na ngayong very successful businessman at philanthropist sa ating bansa. Siya ang guest noong nagdaang Biyernes sa nationwide radio program na “Boses ng Masa” sa DZRH ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment at ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.
Siya ay walang iba kundi si Mr. Manny V. Pangilinan, na nagpaunlak ng panayam kay Jinggoy sa segment ng Boses ng Masa na pinamagatang “Kumusta na, Idol?”
Si Pangilinan ay ipinanganak na mahirap, pero nag- sumikap nang husto sa pag-aaral at paghahanapbu- hay. Tulad ni Jinggoy, nag-aral din siya sa Ateneo de Manila at pagkatapos ay kumuha ng master’s degree sa Business Administration sa Wharton Univerity sa United States.
Si Pangilinan ay namasukan bilang ordinaryong empleyado sa ating bansa, nakipagsapalaran sa Hong Kong, at makaraan ang 22 taon ng kanyang matagumpay na pagnenegosyo sa ibayong-dagat ay bumalik sa ating bansa at ngayon ay may business interests sa napakaraming kompanya, tulad ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), SMART telecommunications, Talk-N-Text, PHILEX Mining, North Luzon Expressway, Cardinal Santos Hospital at Makati Medical Center.
Ngayong dito na sa ating bansa nagma-manage ng iba’t ibang negosyo si Pangilinan ay nakapagbibigay siya ng trabaho sa napakarami nating mga kababayan at nakatutulong nang malaki sa ating ekonomiya.
Simple lang ang mga payo ni Pangilinan sa mga OFW at sa lahat ng mga manggagawang Pinoy… “Sundan ang pangarap ninyo, work hard, focus, at maging dedicated sa trabaho.”
* * *
Tangkilikin ang “Boses ng Masa” tuwing Biyernes, 5:30-6 p.m., na mapakikinggan sa DZRH nationwide: Greater Manila Area (666), Lucena (1224), Naga (981), Sorsogon (1287), Dagupan (1440), Baguio (612), Isabela (648), Tuguegarao (576), Laoag (990), Palawan (693), Bacolod (1080), Cotabato (567), Cebu (1395), Tacloban (990), Iloilo (1485), Davao (1260), Cagayan De Oro (972), General Santos City (531), Zamboanga (855), Kalibo (693) at Bislig (1035).
- Latest
- Trending