Naghihilik ka ba? Subukan ito

LAHAT ng tao ay naghihilik depende nga lamang sa uri ng paghihilik. Mayroong hilik na nakaiirita at perwisyo sa iba.
Subukan ang tips na ito at baka makatulong para hindi maghilik.
1. Matulog nang nakatagilid. Napatunayan na kapag nakalapat ang likod o nakatihaya kapag natutulog ay mas malakas ang paghihilik. Para masanay na nakatagilid sa pagtulog, maglagay ng tennis ball sa likuran ng pajama.
2. Iwasang gumamit ng makapal na unan. Nabe-bend nito ang batok at nababarahan ang airways dahilan para lumubha ang paghilik.
3. Huwag manigarilyo. Pinamamaga ng paninigarilyo ang mga tissue sa lalamunan. Ang nicotine ang nagdi-disturb sa sleep pattern.
4. Huwag uminom ng alak, sleeping pills at tranquilizers sa oras ng pagtulog. Nagpaparelax ang mga nabanggit sa muscles ng lalamunan at nagpapalubha sa paghihilik.
5. Gumamit ng saline spray bago matulog. Maaari kayong makabili ng saline spray sa botika o maaari ka-yong gumawa nito. Maghalo ng isang cup ng maligam-gam na tubig, kalahating kutsaritang asin at kaunting baking soda. Makakatulong ito para mabuksan ang nasal passages at hindi na kayo hihinga sa bibig at mawawala na ang paghihilik.
6. Gumamit ng humidifier sa kuwarto. Ang maba-bang humidity ay maaaring makapagpatuyo sa mucous membranes at nakapagpapairita kaya may humihilik.
7. Magbawas ng timbang. Ang extrang timbang lalo na sa dakong batok ay nagbibigay ng pressure sa lalamunan at kumikitid ang daanan ng hangin.
- Latest
- Trending