^

PSN Opinyon

Mauna ka, President Arroyo!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

(Part 2)

MORAL recovery daw sabi ni President Arroyo? Josko­­po. Ano ang ginagawa ng mahal nating Presi­dente ukol sa mga lumabas nang tala na may 30 porsiyento sa kabuuang budget ng gobyerno ang napupunta sa bulsa ng mga naka­upo sa puwesto? Dalawampung porsi­yento lang ang tala ng PAGCC, ahensiya mis­mo ni GMA na sumu­subaybay ng pa­ngu­ngu­rakot sa ban­sa, ng na­ku­­kurakot sa national budget. Pero pinaso­bra­han ko na sa 30 porsi­yento dahil pihadong konser­batibo pa ang tala ng PAGCC.

Paalala lang po na pera natin ang binubulsa nila. Ito yung wala tayong kalaban-laban na bina­bayarang buwis kada suweldo. Napakasakit isipin. 

Ano ang ginagawa ni GMA ukol sa talamak na smuggling sa iba’t ibang bahagi ng bansa na pumapatay sa mga industriya? Ano ang gina­gawa ni GMA ukol sa sob­rang pagpatong sa presyo ng mga binibiling materyales at proyekto sa iba’t ibang sangay ng kaniyang pama­halaan para may maibulsa pa rin ang mga ito? Eh yung mga tiwaling pulis na panay pa rin ang kotong? 

Yung mga kontratistang na-ban ng World Bank mis­ mo? Eh yung ayaw ni Sec. Romy Neri mag­salita ng katotoha­nan ukol sa ZTE-NBN Scandal? At yung mga pinapunta kay Junior Dee sa Amerika para itikom ang bibig sa pag­sasalita ukol sa “Hello Garci” at dayaan noong eleksiyon? Yung mga saksi sa mga anomalya ng Malacañang na biglang nagbabaliktaran dahil tina-kot o sinu­hulan? Moral recovery? Dapat magsimula ito kay President Arroyo.

Natatawa na lang ang mamamayang Pilipino sa mga pahayag ni Arroyo. Umiiling, nalulungkot, nade­desperado. At kung sa ngayon ay na­ tatawa pa ang ilan, da­rating ang panahon na wala nang makaka­ngiti.

Kung magpapa­tu­loy ang korupsyon sa Pili­pinas sa gitna ng pan­daigdigang krisis na ito, hindi na mala­laman kung saan pu­pulutin ang ma­ rami sa ating mga ka­baba­yang nawa­lan na nga ng trabaho sa abroad o dito sa mga pabrika, naloko na sa mga edu­cational plans at ni hin­ di pa makapa­ngu­tang sa banko

Sa gitna ng matin­ding krisis sa bayan, ang mga ganitong pa­hayag ay hindi napapa­nahon, at hindi rin na­rarapat. Hindi nararapat na manggaling sa isang Pangulo na hindi na pinagkakatiwalaan at nawalan na ng manda­to ng bayan. Magtataka pa ba ang ating Presi­dente kung bakit ayaw siyang harapin at kau­sapin ni US President Barack Oba­ ma na ang pangunahing pa­kay ay tapusin ang pa­ngu­ngurakot ng mga ban­sa sa buong daigdig?

ANO

HELLO GARCI

JUNIOR DEE

PRESI

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT BARACK OBA

ROMY NERI

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with