^

PSN Opinyon

Bugok na PASG sa Cagayan de Oro

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGKAMA este mali nagkamal pala ng salapi ang isang bugok na PASG sa Cagayan de Oro sa pakikipag­sabwatan daw sa mga smuggler todits?

Sabi nga, tara dito, tara doon, puslit dito, puslit doon,

Naku ha!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, limpak - limpak daw ngayon ang kinitang pitsa ng bugok na PASG sa Cagayan de Oro ganda daw ng tsikot nito ngayon.

Sabi nga, Mercedes Benz.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpapagawa din daw ngayon ng bagong haybol ang bugok kaya naman naniniwala ang ilang nakakakilala todits na malaki ang pinagbago ng kanyang lifestyle mula ng mapunta sa nasabing province. Paging, Office of the Ombudsman!

 Sagrado este mali Sigurado pala ang mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi kukunsintihin ni PASG Usec Bebot Villar ang balita oras na makarating sa kanya kasi ayaw niya ng bugok sa kanyang office.

Sabi nga, imbestigasyon umaatikabo!

Ginagawa lahat ni Villar ang kanyang makakaya para sa ikabubuti ng Philippines my Philippines at maitama ang pagbubuwis sa mga kalakal na inangkat para naman maka­tulong sa mga proyekto ng pamahalaan at sa mahihirap na nilalang ni Lord, pero kung ganito lang naman ang gina­gawang kataranta­duhan ng bugok na PASG tiyak may kalalagyan ito.

 Sabi nga, kangkungan!

 Hindi sisirain ni Villar ang maganda niyang pangalan, kredibilidad at dignidad pinagkatiwalaan ito ni Prez Gloria Macapagal Arroyo na masawata ang mga economic saboteur kaya naman pinagbubuti nito ang kanyang tungkulin at nilalayo ang sarili kay Didith Reyes este mali sa tukso pala.

Ayaw na ayaw ni Bebot na may bugok sa kanyang likuran kaya umaasa ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na baka maagang magpaalam ang tulisan kapag na­balitaan ng ating bida ang kagaguhan pinag­gagawa ng huli.

Sabi nga, goodbye, bugok!

At para sa mga economic saboteur sa Cagayan de Oro humanda kayo sa ipapalit ni Bebot sa bugok.

Abangan

Ang AFP at Abu Sayad

HINDI dapat tantanan ng military soldiers ang pagtugis sa mga diaper este mali kidnapper pala ng tatlong taga-International Red Cross na dinukot kamakailan dyan sa isang lugar sa Mindanao.

Sabi nga, bakbakan ang mga kamote !

Nararamdaman ng mga muklong bandido na malapit na silang bumagsak sa kamay ng mga humahabol na sundalo at anytime kapag nasungkit sila puede na nilang makaharap ng personal si Kamatayan kasama si Satanas sa kanilang libingan. Hehehe!

Kaya naman ang payo ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga bandidong muklo ay huwag na huwag silang matutulog o iidlip dapat doblehin nila ang dosage sa pag­gamit ng shabu para hindi sila mapapikit.

Mga kamote, tandaan ang advise!

May filler kasi ang mga bandidong muklo sa military na itigil ang pagdungis este mali pagtugis sa kanila dahil kung hindi daw sila hihinto malalagay sa balag ng alanganin ang hawak nilang victims.

Ika nga, nananakot pa.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa top brass officials ng AFP, na hindi nila lulublubin este mali lulubayan pala ang mga muklong kriminal. Ika nga, ratratan kung ratratan.

Teka, teka - nagtataka ang madlang people sa Re­public of the Philippines dahil ilang taon na ang ope­rasyon ng mga milirary soldier sa province of Mindanao versus rebel groups hindi pa rin matapos bagkus ay dumarami pa ang kalaban ng mga bidang sundalo laban sa mga kontrabidang muklong gago.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang AFP at PNP ang sumusugod o gumagalugad sa mga lungga ng mga muklong gago kundi kasama pa nila (secreta nga lang) ang US of A soldiers plus hi-tech war equipments.

Nasasayang, yes, nasasayang lang ang intelligence fund ng militar na ginagamit kontra rebeldeng muslim dahil up to now pukpukan pa rin sila sa Mindanao.

Hindi birong salapi ang naaaksaya sa nangyayaring giyera - patani sa kamindanawan kung susumahin lahat ito tiyak napakalaking kuarta ang nawala sa Philippines my Philippines.

Ika nga, maraming mahihirap ang nabusog kung pagkain na lamang imbes bala ang binili ng gobierno.

‘Bakit ba hindi pa matigil ang mga kamoteng kidnapper/killer dyan sa ilang lugar ng kamindanawan?’ tanong ng kuwagong naghihingalo.

‘Malaki kasi ang alloted fund ng government of the Republic of the Philippines sa AFP kaya ganoon?’ sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong.

 ‘May kupitan ba?’ tanong ng kuwagong SP0-10 sa Crame.

 ‘Iyan kamote, sila - sila lang ang nakakaalam’

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

BUGOK

IKA

MINDANAO

ORO

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with