^

PSN Opinyon

Quezon City Lodge No. 122

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

THIS coming February 14, 2009, “Valentine’s Day” at 3pm ang ika - 61th public installation of officers Masonic year 2009-2010 ng Quezon City Lodge No. 122 dyan sa No.1 Matalino St., cor. Kalayaan Avenue Diliman Q.C.

Ang mga hangal este mali halal pala na mga official at appointed officers ay sina Worshipful Master Alden Y. Bait, SW Godo B. Velarde, JW Benito G. Se Jr., Treasurer VW Arsenio M. Torres Jr., (PDGL), Secretary Girald Gaspar, Auditor VW Dennis T. Gabionza (PGO), Chaplain Nico Chua, Marshall WB Nelson P. Valdez, SD Ivan R. Galarosa, JD Eugene R. Tolentino, Orator VW Jose T. Gabionza (PGGL), Almoner VW Jerome T. Gabionza (PDGL), Lecturer VW Luis B. Reyes Jr.,(PAGL), Custodian of the Works VW Saul R. Exmundo (PDGL), Historian WB James Donadilla (PM), SS Erwin Ortanez, JS Glenford Comia, Organist WB Jonathan C. Florendo (PM), Tyler WB Omar A. Equiza (IPM), Harmony Officer VW Jose O. Lustre (PAGS).

Ang installing officer ay si WB Apolonio B. Bait (PM), Master of Ceremonies VW Allan G. Bontoyan (PDDGM), at Assistance Master of Ceremonies WB Peter Demosthenes Demetria (PM).

Ang tsibugan ay gagawin sa Grass Residence, Nueva Viscaya St., Barangay Sto. Cristo, Quezon City malapit sa SM North EDSA.

Sabi nga, dalawang lechon baka ang tsibug echetera.

Anuman ang ginagawa ninyo mga Kuyang huwag na hindi kayo pupunta.

Congrats incoming WB Alden Bait and officers!

Si GMA ang puntirya, si Jocjoc ang nayari

ANG controversial na P728 million fertilizer fund scam ay binakbakan ng todo sa Senado si dating Department of Agriculture Undersecretary Jocelyn Bolante, a.k.a Jocjoc na kilalang ‘best friend’ ni First Gentleman Mike Arroyo at kasamahan din niya sa Rotary Club International ang nadikdik dito ng husto.

Sabi nga, culprit.

Masiadong kontrobersyal ang isyu kasi sabi ng oposisyon ‘nag-imbento’ daw si Jocjoc ng programang ‘farm implement, farm input’ noong nasa DA pa ito at ang usapin tungkol sa fertilizer fund ay ginamit daw para sa kampana este mali kampanya ni Prez Gloria Macapagal Arroyo last 2004 election.

Totoo kaya ito?

Nang isnabin at takasan ni Jocjoc ang Senate investigation at pumunta ito sa US of A ay tumabla este mali tumibay pala ang hinala ng opposition at ng madlang people na matindi ang partisipasyon nito sa fertilizer fund scam.

Mula ng dumating matapos i-deport ng mga kano si Jocjoc sa Philippines my Philippines ay hindi na siya nilubayan ng mga politiko sa mga hearing pero hindi naman natinag ang una sa question and answer portion sa Senate at Congress.

Sabi nga, magaling siyang sumagot.

Batay sa itinakbo ng huling paglilitis este mali pagdinig pala dyan sa Senate na marami ang hindi na magtataka kung sa bandang huli ay mapatunayan na hindi pala totoo ang bintang noon ng oposisyon kay Jocjoc.

Naku ha!

Hindi kinakampihan ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina GMA at Jocjoc kasi kung ang pagbabatayan lamang ang mga record na nakukuha sa mga imbestigasyon mukhang wala kahit isang dokumento o testigo na magpapatunay na kasapakat nila si Bolante.

Ang FIFI program ng DA ay hindi ‘imbento’ ni Jocjoc para i-pondo kay GMA ang kanyang bossing katulad ng mga tsimis ng karamihan bagkus ‘pamana’ pala ang programang ito ng gobierno ni dating Prez Erap Estrada last 2001.

Pinondohan pa ng P1.5 billion ito before si Erap ay nasipa sa malakanin este mali Malacanang pala.

Kung may napatunayan man sa imbestigasyon si Senator Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na may nagwaldas na pera para sa pambili ng fertilizer ang problema ng lang dito ay walang ‘paper trail’ na magdidiin kay GMA o kay Bolante.

Ang karamihan pa nga sa mga ‘evidence’ ay mga testimonya ng mga resource person na hindi maasahang magsasabi ng katotohanan dahil kahit sila ay nalalagay sa balag ng alanganin porke mukhang sila ang sasabit sa usapin,

Lagot kayo!

Ayon sa COA ‘fully accounted’ ang pitsang pinagdede­batihan at mahigit sa 90% nito ay nai-dokumento na nila kahit mayroon pa ring naiiwang katanungan na hindi naman kailangang si Jocjoc mismo ang sumagot bagkus ang buong DA.

Anyway, hintayin na lamang ng madlang people sa Philippines my Philippines ang report ni Senator Gordon para malaman kung ano ang ‘totoo’ sa lahat ng ito.

Sabi nga, truth shall prevail!

Abangan.

ALDEN BAIT

ALLAN G

APOLONIO B

GABIONZA

JOCJOC

LSQUO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with