^

PSN Opinyon

MPD-CIDU, ipagmalaki n'yo 'to! Tsk-tsk-tsk!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KUNG inaakala ng isang balasubas na kolokoy ng Manila Police District (MPD) na malulusutan niya ang BITAG, puwes nagkakamali ang gunggong na ‘to.

Gusto kong mabasa ito ng mga kasamahan niya sa MPD ang kolum kong ito para magkaalaman o maaaring hindi na rin bago sa kanila. 

Target ko dito ay kasamahan nila sa Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) na nag-aalaga’t namumor­siyento sa mga holdper.

Maaaring malalagay sa kahihiyan? O, maaaring ipag­mamalaki ito ng kanyang mga kasamahan sa MPD-CIDU ang aking target na hinayupak.

Enero 26 (Lunes), pasado alas-9 ng gabi, sa MPD Head­ quarters sa may CIDU, handa na ang grupo ng BITAG sa isang isasagawang operasyon.

Binuo ang team ng CIDU upang kalawitin ang grupo ng holdaper na magsasagawa ng panghoholdap. Mag­kikita-kita muna ang grupong ito sa isang fastfood sa Kalaw, Luneta nung gabing ‘yun.

Noong hapon din iyon, matagumpay na naisagawa ng BITAG ang surveillance sa isang miyembro nito na positibong itinuro ng kanilang biktima noong araw ng Linggo.

Positibo rin ang tipster na hindi na namin idedetalye ang pagkatao dahil alam ang kilos at galaw ng mga miyembro ng mga holdaper na’to.

Ang plano kuno ng CIDU, hindi na raw papopormahin pa ang mga holdaper na sasakay muna ng jeep­ney patungong Cubao.

Subalit, biglang iti­nawag ng aming asset na nasa lugar din ng mga sandaling ‘yun, na­ mataan nila ang isang pulis na bini­big­yan daw ng grupo ng porsiyen­-to mula sa kanilang pang­ ho­hol­dap.

Tuluyang hindi na nagpakita ang grupo, nagbago na raw ang pla-no ayon sa asset. Kaya ang ginawa ng CIDU, disappear na raw kami sa aming mga puwesto dahil “no show” na ang grupo ng mga holdaper.

Salamat sa isang nag­ngangalang GAL­MAN   sa CIDU. Ang mensa­he ko, “gali­ngan mo pa ko­­lokoy, may araw ka sa amin. Pasok ka na rin sa surveillance list ng BITAG simula nga­yon.”

Panoorin bukas sa BITAG sa IBC alas-9 ng gabi.

Tinutukoy ko ang isang “hudas” na pulis na hindi ko muna pa-pa­ngalanan.

BINUO

CIDU

CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION UNIT

CUBAO

ENERO

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with