^

PSN Opinyon

'Barok Obama' vs Chief Justice Puno

- Al G. Pedroche -

HINDI umubra ang pakulo ni “Barok” Obama laban kay Supreme Court Chief Justice Reynato Puno. “Barok” ang alyas ni Louis Biraogo, ang negosyanteng nagparatang na inupuan ng Chief Justice ang kasong pagpapatalsik kay Negros Oriental Rep. Jocelyn Sy Limkaichong. Iyan sana ang gagawing basehan ng impeachment laban kay CJ Puno.

Sa nangyaring ito, lalung naipakita ni CJ Puno ang kanyang pagiging maka-Diyos pati na ang magandang track record sa Korte Suprema. Kasama sa mga notable acts ni Puno ay ang mga ito:

Una, ang utos niya sa Meralco na i-refund sa mga consumers ang bilyun-bilyong pisong overpricing sa kuryente; pangalawa, ang pagbasura ng Korte sa Ancestral domain act na kamuntik nang ibenta sa mga Moro ang malaking bahagi ng Mindanao. Kahit Pangulo ng bansa di ubrang paikutin o imanipula si Puno.

Sa tingin ko, tingin ko lang, minamanipula ng mga politico si “Barok” dahil potential presidential timber si Puno. Kaso sinabi na ni Puno na hindi siya makukum­binsing kumandidato sa pagka-pangulo although sa tingin ko ay karapat-dapat siya.

Kung susuriing mabuti, ito palang si “Barok” ay sanggang-dikit na kaibigan ni dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras, asawa ng tinalong kandidato ni Limkaichong noong nakaraang eleksyon.

Imbes na si Puno ang i-impeach, dapat siguro si “Barok” ang kasuhan kasama ang mga taong nagmamanipula sa kanya para siraan ang isang kapita-pita­gang taong tulad ni CJ Puno.

Ngayong nagsalita na si Puno na wala sa bokabularyo niya ang pagtakbo sa pangulu­han, dapat na ring tumigil yung mga nagsusulsol sa kanya na tumakbo. Sa klase ni Puno, isa siyang taong hindi puwedeng sulsulan dahil ma-prinsipyo.

I believe in the saying that “you can never put a good man down.”

BAROK

CHIEF JUSTICE

JACINTO PARAS

JOCELYN SY LIMKAICHONG

KAHIT PANGULO

KORTE SUPREMA

LOUIS BIRAOGO

NEGROS ORIENTAL REP

PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with