^

PSN Opinyon

Husay ng QCPD

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

BUKAMBIBIG ang kasipagan at katapangan ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD). Ayon sa mga naka­usap ko, saludo sila sa ginagawa ng QCPD matapos ma­patay ang mga salot sa lansangan. At ang kanilang hinangaan ay ang pagiging asintado ng mga taga-QCPD kung saan 17 kilabot ang bumulagta sa walong enkuwentro. ‘Yan ang bunga nang matiyagang pagsasanay ni QCPD director Chief Supt. Magtanggol Gatdula sa kanyang mga tauhan. Di ba Sir?

Kung inyong magugunita, noong January 7, 2009 ng madaling araw, bumulagta ang apat na kilabot ng kidnapper sa Quezon Avenue underpass matapos makipagbarilan sa PNP Traffic Management Group at QCPD Anti-Carnapping unit. Nagsimula ang bakbakan nang sitahin ang grupo ng PNP-TMG sa Roosevelt Avenue hanggang sa maghabulan at makarating sa Quezon Ave.

January 10 — nagkabuhuol-buhol ang trapik sa Mindanao Ave. nang makasagupa ng QCPD Criminal Investigation and Detention Unit (DICU) at Anti-Carnapping Unit (ANCAR) ang apat na holdaper na naka-motorsiklo. Napatay ang tatlo sa mga ito subalit nakatakas ang isa. Ang mga napatay ay pawang kabataan at ang mga baril na gamit ay 38 at 45 pistol.

January 11 — napatay ang isang kilabot na holdaper na bumibiktima sa mga call center agents matapos makasagupa ng tropa ng QCPD Bet Patroller sa Kasunduan Ext., Bgy. Commonwealth. Masuwerte na lamang at hindi natamaan ang mga pulis matapos silang pagbabarilin ng suspek. Ang masamang gawain ay nagwawakas sa kamatayan. Di ba mga suki?

January 14 — bumulagta rin ang dalawang kilabot na holdaper sa D. Tuazon malapit sa kanto ng Cuenco St. Bgy. Sto. Domingo matapos makaengkuwentro ang nagpapatrul­yang QCPD-CIDU. Kalibre 38 naman at isang patalim ang narekober sa mga suspek. Naratnan ko pa nga ang mga bik­tima na tulala at nanginginig sa takot.

Sa may kahabaan naman ng Fema Road malapit sa kanto ng EDSA ay nakasagupa naman ng tropa ni Supt. Marcelino Pedrozo ang isang kilabot na carnapper ng motorsiklo noong gabi ng January 15. As usual patay din ang suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis ngunit nakatakas ang isang kasama.

Dalawang kilabot na holdaper ng pampasaherong jeepney ang nakasagupa ng CIDU sa Commonwealth Ave., sa may Tandang Sora noong January 17. Halatang nakipagbarilan ito sa mga pulis dahil ang isa ay nakitang nakakober pa sa foot bridge at hawak ang caliber 38 at sa kaliwang kamay ang puting bag ng babae.

Gabi ng January 19 — muling ipinakita ng QCPD ang kanilang kahusayan nang mapatay ang isang holdaper habang nagtatago sa papag na kawayan sa North Ave., Bgy. Bagong Pagasa. Armado ito ng caliber 38. Nakatakas ang mga kasama.

Ang huling insidente ay noong January 24 ng madaling araw kung saan napatay ang tatlong holdaper at carnapper ng motorsiklo sa Commonwealth Ave. Nagawa pang maka­takbo ang dalawa sakay ng inagaw na motorsiklo nang barilin ng mga pulis sa ilalim ng Feria footbridge.

Sa sunud-sunod na pakikipag-engkwentro ng mga miyem­bro ng QCPD, sila na ngayon ang bukambibig ng kanilang kabaro at mga residente ng Quezon City. Hinahangaan at pinu­puri ang kanilang kabayanihan sa pakikipagsagupa sa mga masasamang elemento ng lipunan, kaya maugong na sana ay huwag alisin si Gatdula sa QCPD upang maubos na ang mga masasama sa kalsada.

Ito na marahil ang bunga ng Transformation Program ng Philippine National Police. Abangan!

ANTI-CARNAPPING UNIT

BAGONG PAGASA

BET PATROLLER

BGY

CHIEF SUPT

COMMONWEALTH AVE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETENTION UNIT

CUENCO ST. BGY

QCPD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with