^

PSN Opinyon

Lalantad na: P70-M suhulan nu'ng 2003

SAPOL - Jarius Bondoc -

HUWEBES noon, Abril 24, 2003, kalagitnaan ng linggo, magandang araw para ... manuhol. Sumakay ang tatlong kontratista, na may bitbit na tig-dalawang malalaking supot, sa elevator ng kilalang gusali sa Legaspi Village, Makati. Bumaba sila sa 7th floor para tagpuin ang makapangyarihang asawa ng isang mataas na opisyal ng gobyerno. Mali ang binabaan nila: Opisina pala ’yon ng partido ng opisyal, hindi ng asawa na nasa 8th floor. Pinasya ng tatlo na imbis na bumalik sa elevator ay mag­hagdanan na lang. Habang umaakyat patungong 8th floor, nabitawan ng isang kontratista ang isang supot. Bumul­wak ang maraming balumbon ng tig-P1,000, bahagi ng kabuuang P70-milyon, na may bigat na humigit kumulang 70 kilo. Naghagikgikan ang tatlo sa hitsura nila habang nagmamadaling pinupulot ang pera. Pero pumormal na sila nang kaharap na ang pakay na tao sa 8th floor.

Paunang “patong” pa lang ang P70 milyon, 5% ng P1.4-bilyon pondo para sa EDSA Rehabilitation Project. Pangako ng tatlong kontratista ay 10%, o P140-milyon lahat-lahat, ang ibibigay nila sa maimpluwensiyang asawa. Bukod pa ang 5% “for the boys”. Pero may problema sila. Ayaw pang simulan ni noo’y Department of Public Works and Highways Sec. Bayani Fernando ang proyekto. Namamahalan daw si Fernando, na kauupo pa lang sa puwesto nu’ng Enero. Hinihintay na babaan nila ang presyo, pero hindi nila kayang gawin ‘yon; marami na silang na­gastos.

“Tarantadong Bayani ‘yan a,” nagtaas ng boses ang ma-poder na asawa. “Hayaan ninyo, bigyan ninyo ako ng dalawa o tatlong araw, tanggal ang lokong ‘yan.”

Nang sumunod na Linggo, tatlong araw ang nakalipas, big­lang nag-anunsiyo ang Malaca­ñang. Kesyo binitiwan na raw ni Fernando ang pagka-kalihim ng DPWH para pagtuunan ang isa pang tungkulin bilang chairman ng Metro Manila Development Authority.

Bahagi ang kuwentong ito sa pagsuspinde ng World Bank sa tatlong kontratista na sang­kot sa anomalya sa $33-milyon (P1.4-bilyon) proyekto.

ABRIL

BAYANI FERNANDO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS SEC

FERNANDO

LEGASPI VILLAGE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PERO

REHABILITATION PROJECT

TARANTADONG BAYANI

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with