^

PSN Opinyon

Kawawang Bayani Fernando!

- Al G. Pedroche -

KAWAWANG MMDA Chair Bayani Fernando! Nagmu­mukhang kontrabida sa mata ng mga mahihirap na tao dahil sa pagkukulang ng disiplina ng mga opisyal ng barangay sa kanilang mga nasasakupan.

Kung tutuusin, responsibilidad ng mga namumuno ng barangay na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga lugar na nasasakupan nila. Pero maraming barangay lalu na sa Metro Manila ang nakakadismaya. Yes, NAKAKA­DISMAYA! Kung ginagawa ng mga barangay ang respon­sibilidad nila, sana’y walang mga illegal na istruktura sa mga pook na nasasakupan nila. Mga istruk­tura na kapag giniba ng MMDA ay sasabihing paglabag sa karapatang pantao.

Saan ka ba naman makakakita ng pook na pati kanal ay inuukupahan ng mga residente? Tinatayuan ng barbik­yuhan, gotohan at karinderia. Mayroong nasa gilid ng estero, riles at madalas ay may mga kababayan tayong nag-iiskwat sa lupa ng may lupa. Only in da Pilipins!

Kaya tama ang panukala ni Fernando. Obligahin ang mga barangay na tumulong sa pagpapanatili ng kaayu-san at kalinisan sa kanilang lugar.

Ganyan ang ipinatupad ni Fernando nang siya’y Meyor pa ng Marikina. Tingnan ang Marikina at nanatiling ma-a­yos at malinis. Bakit pinababayaan ng mga namu-   muno sa barangay ang pagsakop ng mga residente pati sa mga kanal o daluyan ng tubig na karaniwan nating makikita sa Metro Manila? Tanong nga ng barbero kong si Mang Gustin: “Sa magkanong dahilan?”

Madalas, nagagambala ang mga pedestrians dahil sa may nakatirik na mga tindahan na nagbebenta ng mga pagkain sa bangketa. Imbes na sa bangketa ka magdaan, tuloy nagagamit mo ang lan­ sangang dinaraanan ng mga sasakyan at tuloy, nanganga­nib ang iyong buhay.

Madalas nababatikos si Fernando pero sa ganang akin, tama ang kanyang ginagawa dahil kapakanan at kaligta-san ng nakararami ang kan­yang pinangangalagaan.

In fairness naman sa mga kababayan nating nagha­ hanapbuhay lang, dapat ding tumulong ang gobyerno para makapagnegosyo sila ng maayos at hindi nakakagam­bala sa iba. Ikinakatuwiran nila na mas mabuti ang kani­lang ginagawa ngayon kaysa magnakaw. Pero hindi katu­wiran iyon dahil ang ano mang gawain ay matatawag na illegal basta’t may ibang napi­ -per­huwisyo.

Nakakaawa rin sila kapag dumaranas ng demolisyon pero iyan naman ay dapat gawin sa kapakanan ng mas maraming mamamayan. Kaya balik tayo sa puno’t-dulo ng problema: POVERTY.

CHAIR BAYANI FERNANDO

FERNANDO

KAYA

MADALAS

MANG GUSTIN

METRO MANILA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with