^

PSN Opinyon

Kidnappings sa Pilipinas

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MALAKING batik na naman sa reputasyon ng ating bansa ang naganap na pagkidnap ng mga armadong grupo sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa Jolo, Sulu.

Ito ang malungkot na pahayag ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Ang tatlo –— sina Andreas Notter ng Switzerland na pinuno ng ICRC office sa Western Mindanao; ang Italian engineer na si Eugenio Vagni; at ang Filipino engineer na si Jean Lacaba, ay nagsasagawa ng “humanitarian mission” sa nasabing lugar nang sila ay dinukot ng mga lalaking nakamotorsiklo at pawang armado.

Ang Jolo ay ikinokonsiderang pugad ng Abu Sayyaf. Grabe ang mga problema at paghihirap ng mga residente roon kaya pinuntahan sila ng ICRC para tumulong. Ka­gagaling lang ng ICRC workers sa provincial jail para sa proyektong patubig nang sila ay kidnapin.

Ang mga kasapi ng ICRC ay malayang nakapag­sa-sa­gawa ng humanitarian mission saan mang panig ng daig-dig. Wala silang pinapanigan, kinakampihan at itinu­turing na kaaway. Ang misyon nila ay tumulong sa mga nanga­ngailangan. Dahil dito, talagang grabe ang epekto       ng insi­denteng ito sa pananaw ng international community.

Isa na naman itong hamon sa pamahalaan para ipursige ang pagtitiyak ng kaligtasan at kapayapaan sa lahat ng lugar sa bansa. Matagal nang problema ang kidnapping sa bansa pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito nasoso­lusyunan ng mga otoridad. Kailan ba kikilos nang sapat ang gobyerno para mapuksa ang mga kidnapper?

Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and   Employment, ay nanini­ wa­lang mahihirapan tayong makahi­kayat ng mga mamu­muhunan para magnegos-   yo sa ating bansa at mag-empleyo ng mga Pilipino hanggat hindi nasusugpo ang kidnapping.

Paano nga naman magti­tiwala ang mga negos­yante kung ganyang kahit ang mga miyembro ng mga humani-tarian group tulad ng ICRC   ay kinikidnap?

ABU SAYYAF

ANDREAS NOTTER

ANG JOLO

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

EUGENIO VAGNI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

JEAN LACABA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with