Gurong suspek ng isang kaso ng Cybercrime, nagtago!
GULPI DE GULAT! Eto ang bumasag sa katahimikan ng dulong bayan ng Tanay, Rizal. Ito’y matapos naming hunting-in ang suspek sa likod ng isang Cybercrime para sa taong 2009.
Isang guro ng Tanay National High School ang nagtago sa kanyang lungga ng malamang nasa lugar nila ang BITAG para kumprontahin sa kanyang krimeng ginawa.
Ang kanyang kasalanan, walang pakundangan nitong ipinaskil sa friendster ang mga malalaswang litrato at pagtatalik ng kanyang dating kasintahan na dati niyang estudyante sa hayskul.
Ang siste, wala ang kanyang mukha kundi mga maseselang bahagi at hubad na katawan ng biktima lamang ang kanyang ipinangalandakan.
Menor-de-edad pa lamang ang biktima ng magkaroon sila ng relasyon at habang bubot pa ang pag-iisip ng pobre, inaaswang naman siya ng mapagsamantala niyang guro.
Sa una, naging maganda ang kanilang pagsasama, subalit sa huli, sinasaktan na raw siya ng pisikal ng suspek kaya’t nagawa nilang mag-ina na magsumbong sa pulis.
Pagkaawa ang nadama ng BITAG dahil ng personal naming tunguhin ang bayan ng Tanay, matapos nilang lumapit sa BITAG.
Bumungad sa amin ang mahirap na pamumuhay ng biktima at ng kanyang pamilya. Salat na nga sila sa kabuhayan ay pagkapahiya at paninira pa ang natamasa nang ngayo’y labingwalong taon na gulang ng biktima.
Dahil sa kagustuhan nitong makatapos ng pag-aaral ay tinitiis na lamang ang kahihiyan dulot ng ginawa ng kanyang dating kasintahan.
Kaya naman, pagtuntong ng BITAG sa Tanay, Rizal, diretso ang suspek na aming hinanap. Subalit mabilis na nakapuslit at nakapagtago si kolokoy kaya’t ang humarap sa amin, ang principal ng nasabing eskuwelahan.
Nangako itong ihaharap sa BITAG ang inirereklamong guro upang maibigay ang kanyang panig.
Kaya sa pamunu- an ng Tanay National High School, hindi pa tayo tapos, nakatakda pa ang pagbabalik ng BITAG diyan sa in- yong lugar!
Abangan!
- Latest
- Trending