^

PSN Opinyon

'Broken Heart Syndrome' sa Hong Kong

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NAGLAKBAY kami minsan sa Hong Kong para tumingin ng ilang medikal na kagamitan. Doon, may Peking Duck, may asado toppings, may bagong libro at maraming Pilipino roon. Pero nagulat kami nang makita namin ang paborito n’yong dyaryo sa Hong Kong, ang Pilipino Star Ngayon.

Kasama ng mga Chinese newspapers na nakalatag sa mga kanto ay ang inyong Pilipino Star NGAYON. Bumili kami ng PSN sa halagang 5 Hong Kong dollars para mabasa ang balita dito.

At minsan, may isang taxi driver kaming nakausap. Ang sabi niya ay “Are you Filipino?” Oo, sabi namin. Tapos nagkuwento na siya na Pilipina daw ang asawa niya. Ang Pinay daw ay mahilig makipag-tsismisan sa Central   Market tuwing linggo. Sabi pa niya, mahilig daw magbasa ang Pinay ng tabloids para sa mga tsismis at balita.

Ayon kay Mr. Bonnie Lachica, ang Marketing Director ng STAR companies, umaabot sa 80,000 na kopya ng Pilipino Star NGAYON ang nabebenta araw-araw sa Hong Kong at sa Macau. Dahil dito, malawak ang nara­rating ng mga advertisements sa PSN.

Isa pang napansin ko sa Hong Kong ay maraming Pinay ang mukhang pagod at malungkot. Siguro malayo sa bansa, sa pamilya, at sa mahal sa buhay. Ang kasama na lang nila ay ang mga tabloids para mag-connect sa sariling bayan.

Ang mapapayo ko lang sa ating mga OFW’s ay dapat palakasin ang loob. Ito’y dahil hindi mabuti sa kalusugan ang laging malungkot.

Ano ang Broken Heart Syndrome?

Alam n’yo ba na may bagong sakit na nadiskubre? Ito’y tinatawag na “Broken Heart Syndrome” kung saan ang matinding kalungkutan o problema sa buhay ay maa­ aring magdulot ng panghi-hina ng puso.

Nalaman sa Mayo Clinic na kadalasan ay babae sa edad 40 pataas ang tinatama­an nitong sakit. Ang sintomas ay pananakit ng dibdib na parang inaatake sa puso. Pero may magandang balita naman. Ayon din sa Mayo Clinic, karamihan sa pasyente ay nanunumbalik sa dating lakas pagkaraan ng apat na buwan. Ang ibig sabihin siguro ay kahit nasusugatan ang puso ng babae, ay may pag-asa pa itong maghilom.

Kaya sa ating kababayan dito at sa abroad, huwag mas­yadong malungkot. OK lang iyan. Iyan kasi ang binigay sa atin ng Diyos. Siguro may plano Siya. Pagplanuhan at gawin ng mabuti ang trabaho. May liwanag din sa dulo ng pagsisikap.

Ang Pilipino Star Ngayon ay nandito para tumu­ long sa inyo. God bless po!

* * *

(E-mail: [email protected])

ANG PILIPINO STAR NGAYON

ANG PINAY

AYON

BROKEN HEART SYNDROME

HONG KONG

MARKETING DIRECTOR

MAYO CLINIC

MR. BONNIE LACHICA

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with