Appendicitis

ANG vermiform appendix ay isang supot na ang haba ay 9 hanggang 10 centimeters. Kapag namaga ang supot na ito, tinatawag na itong appendicitis. Ang appendicitis ang pinaka-karaniwang abdominal emergency sa buong mundo.

Apektado ng appendicitis ang babae at lalaki anuman ang gulang. Tanging ang mga bata na may edad na dala­wa pababa ang hindi nagkakaroon ng appendicitis. Karaniwang nagkakaroon ng appendicitis ang mga kabataan na may edad 25.

Ang sintomas ng appendicitis ay ang pananakit ng tiyan, mula pusod hanggang sa tagiliran. Masyado ang sakit at mas lalong madarama ang kirot kapag gumagalaw o kaya’y umuubo.

Ang iba pang sintomas ay ang pagsusuka, kawalan ng panlasa at lagnat.

Ang mga may sintomas ng appendicitis ay narara-pat na kumunsulta agad sa doctor para maisagawa ang paggamot dito o ang tinatawag na appendicectomy (surgical removal of appendix).

Kapag hindi naopera ang appendix, nasa panganib ang pasyente. Mag­kakaroon ng nana at puputok at magiging gangrenous.

Show comments