Para maintindihan ang stock market
ISA itong modernong alamat, ikinuwento sa akin ng kaibigang negosyante.
Minsan sa isang liblib na nayon sumulpot ang isang estranghero. Inanunsiyo niya sa mga taga-baryo na namimili siya ng matsing nang P100 kada ulo. Maraming matsing sa nakapaligid na gubat, kaya dali-daling nanghuli ang mga taga-baryo. Pagkakataon na nilang kumita. Libu-libong matsing ang nahuli, na binayaran ng estranghero nang P100 bawat isa. Kumonti ang matsing sa gubat, kaya huminto sa kaha-hunting ang mga taga-baryo, at bumalik na lang sa pagsasaka.
Muli sumulpot ang lalaki at nag-anunsiyo na mamimili pa siya ng matsing, pero ngayon ay sa halagang P200 kada ulo. Ginanahan na naman mag-hunting sa gubat ang mga taga-baryo. May ilang nahuling matsing, na binayaran nga ng lalaki nang P200 bawat isa. Pero muling naagad ang supply ng matsing, kaya bumalik ang mga taga-baryo sa pagsasaka.
Nag-anunsiyo muli ang lalaki na bibili siya ng matsing nang P250 kada ulo. Pero sobrang kumonti na ang matsing kaya malaking trabaho nang maghanap at manghuli nito.
Hindi pa nagsawa, ikinalat pa ng lalaki na bibilhin niya ang matsing sa halagang P500 bawat isa. Pero dahil kailangan niya bumalik sa siyudad para harapin ang negosyo, ‘yung assistant na lang niya ang mamimili para sa kanya.
Nang bumalik ang lalaki, pinulong ng assistant ang mga taga-baryo. Aniya: “Masdan n’yo lahat ng matsing sa mala king kulungan ng amo ko. Ibebenta ko sa inyo ang mga matsing sa halagang P350 bawat isa, at pagbalik ng amo ko kayo na ang magbenta sa kanya nang P500 kada ulo.”
Nag-ambagan ang mga taga-baryo ng lahat ng matagal ang naipong salapi. Binili nila lahat ng matsing mula sa assistant.
Hindi na muli nakita ang lalaki o ang assis-tant sa liblib na nayon. Ngayon alam mo na kung paano mag-operate ang stock market.
* * *
Lumiham sa [email protected]
- Latest
- Trending