^

PSN Opinyon

Ang pagsalakay nina Supt. Sapitula sa ilegal na Philippine Blood Bank

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

(Huling Bahagi)

BUMABATI ako ng Maligayang Pasko sa mga mamba­basa ng Pilipino Star NGAYON.

Sa unang bahagi ng colum na ito ay inilahad ko ang pagsalakay ng mga pulis sa pamumuno ni Supt. Romulo Sapitula at Ins. John Guiagui sa illegal na Philippine Blood Bank sa Felix Huertas corner Tayuman Sts., Sta. Cruz, Manila na ang maintainer ay si Erwin Rommel Masang­cay.

Para sa inyong kaalaman mga suki, si Ma­sang­cay ay isang Medtech at hindi authorized na kumuha o magsalin ng dugo. Ilang beses na rin palang nahuli ng NBI si Masangcay subalit labas-masok lang ito at tuloy pa rin ang raket.

Sa pagtitiyaga nina Guiagui, kanilang natiyem­puhan noong Biyernes ng madaling-araw ang paglabas ng dalawang alalay ni Masangcay na sina Rogelio Sanchez at Artemio Tan na bibili sana umano ng sigarilyo. Nabigla pa ang dalawa nang dakmain nina Guiagui na akmang ikakan­dado pa sana ang pintuan ng klinika para hindi makapasok ang kapulisan.

At doon na natuklasan ang lihim na matagal ng ina­abangan ng kapulisan. Sa bukana ng kli­nika ay nakita na agad ang 17 katao na nakaupo at nag-aantay para maku­nan ng dugo. Nataranta ang mga ito sa kabiglaan ng sumu­ngaw sa kanilang harapan ang mga pulis at opis­yales ng barangay.

Kaagad na umakyat ang grupo ni Guiagui kasama ang ilang barangay tanod sa ikalawang palapag ng klinika at doon nila inabutan ang dalawang katao na nakahiga sa papag at kinu­kunan ng dugo habang may 10 pang katao ang naghihintay.

Pasintabi po mga suki! Masangsang ang amoy sa naturang kli­nika dala ng halu-halong amoy ng mga taong gusgusin at mga lasing ng aking pa­ sukin para kunan ng lara­wan. Sa ganitong siwas­yon pa­ano makatitiyak na malinis ang mga dugo ng mga donors kuno kung ganito naman ang kani­lang mga ayos. Di ba mga suki?

Malalamlam ang mga mata at ang ilan pa nga’y nakita kong bur­dado ng tattoo sa kata­wan na talaga namang mahigpit na ipinagba­bawal ng Department of Health (DOH) at Philippine National Red Cross (PNRC). Napag-alaman kong P280 ang ibina­bayad ni Masangcay sa bawat 500 cc ng dugo.

Ito ang trabaho ng ilan nating mga kaba­bayan na sa sobrang tamad maghanap­bu­hay ay dugo na lamang ang kanilang ibinibenta upang ipanus­ tos sa kanilang bisyo.

Kaya sa bawat patak ng dugo ng mga lagalag ay limpak-limpak na pera naman ang kinaka­mal ni Masangcay. Ma­rami pa­lang ospital na kontak si Masangcay sa kan­yang illegal na ope­rasyon at wala sa buka­bularyo niya ang kalig­ta­san ng mga nanga­nga­ilangan ng dugo. Sa halip na tumu­long si Ma­­sangcay na maisal­ba ang buhay ng pas­yente ay lalo lamang ini­lalapit sa karit ni ka­matayan.

Sa ngayon tuluyan nang ikinandado ni Sa­ pitula ang klinika ni Ma­sangcay upang di na ma­ging banta sa ka­lusugan ng mamama­yan. At dahil diyan sa magandang tra­baho ni Sapitula at ng kan­yang masisipag na kapuli­san, palakpakan natin sila.

ARTEMIO TAN

DEPARTMENT OF HEALTH

DUGO

ERWIN ROMMEL MASANG

FELIX HUERTAS

GUIAGUI

HULING BAHAGI

MASANGCAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with