Pacman, kampeon ng madlang Pinoy
NATUTUWA ang mga kuwago ng mga ORA MISMO, sa panalo ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao dahil ipinakita nito ang kanyang bilis at galing ng bugbugin niya at halos madurog si Oscar dela Hoya, ng Mexico last Sunday.
Sa tingin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay naawa si Pacman kay dela Hoya dahil hindi niya ito gaanong sinaktan gaya ng mga nakalaban niya sa basketball este mali boxing pala.
Alam kasi ni Pacman na si dela Hoya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya narating ang kanyang tugatog ng tagumpay at siempre ang tinatamasa nitong pitsa.
Sabi nga, halos billion of pesos na!
Pinahanga ni Pacman at muli nitong pinigsa este mali pinagisa pala ang madlang pinoy sa kanyang ginawa last Sunday.
Sa pagdating ni Pacman tomorrow nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na sangkatutak na politiko ang makikita muli sa NAIA.
Para sa mga kasamahan natin sa hanapbuhay sana well behave naman kayo sa coverage sa airport.
Gasgas ang pangalan ni Pangasinan Governor Espino
IPINAMAMALITA pala ni Boy bata, aka alimango, na si Espino daw ang nagpapa-jueteng sa Pangasinan at hindi siya?
Totoo kaya ito?
Si Boy bata, aka alimango, ang alam ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na financer ng jueteng sa Pangasinan, Quirino at Bicol kaya naman nagtataka ang madlang people dyan sa mga nabanggit na province bakit kung sinu-sino ang nilalaglag nitong name.
Ano kaya ang masasabi dito ni Pangasinan Bishop Oscar Cruz, dahil talamak ang jueteng sa kanilang province?
Natutuwa naman daw ang isang Lito mil laway dyan sa Rosales Pangasnan ang jueteng king naman todits dahil sa nangyayari ngayon kay alimango.
Dati kasing mortal enemy ang dalawang gago!
Sa Baguio at Benguet isang Luding, ang namamayagpag dito at ginagamit naman ang pangalan ni PNP Chief Jess Verzosa.
Totoo ba ito?
Lagot ka Luding kahit kaibigan ka na ni bigote kung iligalista ka naman tiyak hindi ka nya patatawarin.
Abangan.
Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO sa PNP
BUHAY at hindi pangingikil ang binuwis ng mga tauhan ng Philippine National Police sa paghuli sa mga gagong miembro ng laway-laway este mali Waray-waray group pala dahil hindi sila sinanto ng mga bida sa banatan nangyari dyan sa Parañaque last Friday night.
Hindi rin naman natin masisisi ang mga policemen sa sinasabing ‘rules of engagement’ kaya nga tinutuligsa sila ngayon ng kung sinu-sinong kritiko.
May namatay kasing mga civilian ng mag-ratratan ang mga kontrabida at bida sa Paranaque madilim kasi doon at siempre bukod pa sa mga usok na likha ng mga matataas na kalibre ng mga baril habang naguupakan ang mga ito.
Kaya ang nangyari ng matapos ang putukan umaatikabo bumulagta sa kalsada at sa mga tsismoso ang four civilian na caught sa cross firing.
Sabi nga, kawawa naman!
Siguro dapat din talaga magpaliwanag ang PNP todits eh paano naman ang mga namatay at tinamaan ng kapulisan sa nasabing bakbakan blues?
Babalewalain na lamang ba natin?
Natutuwa din ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng matumba ang dalawang miembro ng laway-laway este mali Waray-waray group pala sa isang running gun battle dyan sa Caloocan the other night after ng Pacquiao vs dela Hoya boxing fight.
Patay ang dalawa sa mga kontrabida at nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, na walang tinamaan o nadisgrasiya sa mga bidang PNP ng nasa hot pursuit sila.
Sabi nga, hurrah, hurrah!
Maraming madlang pinoy sa kanilang mga haybol ang nakaligtas sa mga ginagawang pagsalakay ng mga kontabida hihintayin pa ba natin magkamatayan tayo o sila ang mamatay?
Para sa kapulisan, saludo ang mga Kuwago ng ORA MISMO, sa inyo.
Keep up the good work!
- Latest
- Trending