^

PSN Opinyon

Kusang-loob na pagre-resign

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ni Jun, Leila at Josie mga empleyado ng PII, isang kompanyang may kinalaman sa impor­ tasyon at eksportasyon. Kontrolado ng mga Hapones ang kompanya. Mayroon itong planta sa Bataan Export Processing Zone ngunit may opisina rin sa Makati. Nakatalaga ang tatlo sa opisina sa Makati. Si Jun ay manedyer sa loob ng may 21 taon, si Leila naman ang chief accountant at si Josie ay emple-yado mula pa 1989.

Noong 1995, ipinaalam ng manedyer ng PII kina Jun, Leila at Josie ang naging desisyon ng pamu­nuan sa Japan na isarado na lamang ang opisina ng PII sa Makati at ilipat ang lahat ng trabaho at aspeto ng operasyon sa Bataan. Pinapili sina Jun, Leila at Josie kung gusto nilang magbitiw na lamang sa trabaho at bigyan na lamang ng separation pay na katumbas ng isang buwang suweldo kada taon ng serbisyo.

Nagdesisyon ang tatlo na magbitiw na lang sa kanya-kanyang tungkulin ngunit hiningi nilang  tuusin muli ng PII ang makukuha nilang separation pay dahil dapat na gawing basehan sa ka­nilang makukuha ang kalakhan ng kanilang suweldo at iba pang benepisyo. Pinagbigyan ng PII ang hinihingi ng tatlo. Noong Setyembre 25, 1995, binayaran ng PII ang sumusunod: P548,100 para kay Jun, P414,500.22 para kay Leila at P10,219.66 para kay Josie.

Dalawang araw pagkatapos matanggap ang pera, nagsampa ng kaso ang tatlo sa NLRC laban sa presidente at manedyer ng PII para sa illegal na pagkakatanggal nila sa trabaho, separation pay, leave pay, 13th month, retirement pay at iba pang benepisyo. Ayon sa kanila, hindi naman daw totoong nalulugi ang kompanya. Ginamit lang dahilan ang pagkalugi para sa ginawang reorganisasyon.

Kinampihan ng Labor Arbiter ang tatlo. Pinag­bayad ang PII at ang mga opisyales nito ng back­wages, separation pay at gastos sa abogado. Ayon sa Labor Arbiter, ang pagsasampa ng kaso sa loob lamang ng dalawang araw nilang pagkakatanggal sa trabaho ay patunay na hindi kusang-loob ang ginawa nilang pagbibitiw. Tama ba ang Labor Arbiter?

MALI. Ang mga tungkuling pinanghahawakan nina Jun, Leila at Josie ay mahalaga sa kompanya. Ang mga empleyadong katulad nila na may pinag-aralan at mataas ang posisyong hinahawakan sa kompanya ay hindi basta papayag na bitawan ang kanilang karapatan sa kompanya maliban at tala­gang sinadya nilang magbitiw sa tungkulin. Hindi nga sila basta umalis sa trabaho, nakipagka­sundo pa muna sila upang palakihin ng kompanya ang babayaran sa kanila bago sila magsipagbitiw sa trabaho. Pag­katapos nila itong magawa ay saka lang sila kusang-loob na nagsipagbitiw sa trabaho.

Dahil sa nangyari, hindi na mahalaga kung ang ginagawang pagsasaayos ng operasyon ng PII ay maituturing na isa sa mga karapat-dapat na dahi­lan sa pagtatanggal kay Jun, Leila at Josie. Kusang-loob ang ginawang pagbibitiw ng tatlo sa trabaho (Guer­zon Jr., et. Al. vs. Pasig Industries et.al., G.R. 170266, September 12, 2008).    

AYON

BATAAN EXPORT PROCESSING ZONE

JOSIE

LABOR ARBITER

LEILA

MAKATI

PII

SHY

TRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with