^

PSN Opinyon

Dalawang kuwento

SAPOL - Jarius Bondoc -

(1)

HARI-HARI sa Chicago si Al Capone nu’ng 1930. Walang kagitingan, pusakal siya sa putahan, sugal at droga. May abogado siyang palayaw “Easy Eddie”. Mahusay ito, dahilan bakit di makulong si Capone. Mataas ang pasuweldo ni Capone kay Easy Eddie. Itinira niya ito sa mansiyon. Sa sarap ng buhay, namanhid si Easy Eddie sa kriminalidad ng amo.

Pero malambot ang puso ni Easy Eddie sa kaisa-isang anak na lalaki. Lahat ng abot-kaya ay ibinigay niya rito: damit, laruan, edukasyon. Higit sa lahat, miski sangkot siya sa Mafia, tinuruan niya ang bata ng tama at mali. Dala­wang bagay ang hindi niya kaya ibigay dito: Magandang pangalan at halimbawa. Isang araw, pinasya niyang itugak sa pulis si Capone; tumestigo sa korte laban sa Mafia. Di naglaon, pinatay si Easy Eddie sa ulan ng bala ng Mafia. Pa­ngalan ng mahal na anak ang tinawag niya sa huling hininga.

(2)

Maraming bayani nu’ng World War II. Isa si Lt. Comm. Butch O’Hare, US Navy. Natalaga siyang fighter pilot sa aircraft carrier Lexington sa South Pacific. Isang araw inatasan ang buong air squadron niya na lumipad sa misyon. Nang nasa ere na si O’Hare, napansin niya na low ang fuel gauge: Nakaligtaan ng ground crew punuin ang fuel tank. Kapos ang fuel para makauwi siya mula sa misyon. Inutos ng flight leader na bumalik na lang si O’Hare sa mother ship. Masama ang loob niyang nag-U-turn.

Habang pabalik sa carrier, kumulo ang dugo ni O’Hare sa namataan. Pasugod sa naval fleet ang pulutong ng eroplanong Hapones. Wala lahat ng US fighter planes na maaring dumepensa. Wala ring oras kaunin sila. Kaya ginawa ni O’Hare ang hini­ hingi ng sitwasyon: Mag-isa niyang sina­gupa ang mga kalaban. Sa gitna ng masidhing dogfight, nag­sawa ang mga Hapon at lumisan. Pagka-landing ni O’Hare, agad niya ni-report ang naga­ nap. Nabatid sa video­cam ng fighter plane niya na limang kalabang ero­plano ang pinabagsak. Peb. 20, 1942 noon; kini­lala si O’Hare bilang kauna-unahang US Navy ace ng World War II. Ma­rami pa siyang naging misyon hang­gang na­patay sa batalya sa edad-29. Dahil sa kagi­tingan, ipinangalan ng Chicago sa alaala ni O’Hare ang international airport nito. Ano ang kinalaman     ng dalawang kuwento?   Si Butch O’Hare ang pi­nakama­mahal na anak ni Easy Eddie. Totoong ma­tamis-ma­pait.

AL CAPONE

BUTCH O

EASY EDDIE

HARE

ISANG

NIYA

SHY

SI BUTCH O

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with