^

PSN Opinyon

Laos na?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

PAGKALIPAS ng ilang buwan, kung kailan may mga mas bagong iniimbestiga na sa Senado na mga anomalya kung saan mukhang sangkot na naman ang administras­yong Arroyo, ay nag-isip, o nakonsiyensiya na raw, si dating House Speaker Jose de Venecia Jr.— dating kaal­yadong matalik ng mga Arroyo. Nagsalita na ito ukol sa lahat ng umano’y nalalaman niya sa ZTE/NBN noong magkakasangga pa sila ni President Arroyo. At ang kanyang sinasabi ay alam ni GMA ang lahat ng mga pangyayari hinggil sa di natuloy na ZTE/NBN broadband deal, ayon na rin sa mga testimonya nina Joey de Venecia III at ni Jun Lozada.

Ang mga detalye raw ukol sa Unang Ginoo at dating Comelec Chairman Ben Abalos, lahat totoo. Kung baga, gustong na daw magbagumbuhay, maglinis ng konsen­siya at makatulog nang mahimbing si Jose de Venecia III. Marami ang taas pa rin ang kilay dito. Malaki na raw ang naging kapakinabangan ni JDV sa matagal na panahon na magkabati sila ni Arroyo. Hindi lang daw nito nakuha ang pagka-Speaker — kaya gumanti lang sa Administrasyon.

Ang sa ilang miyembro ng civil society ay hindi na bale ang motibo— basta magbistuhan na sila at  luma­bas ang totoo. At hindi lang ang ZTE/NBN ang isi­ni­siwalat na ni JDV! May dalwang anomalya pa kung saan ginamit umano ni GMA ang kanyang kapangyarihan para matuloy ang Northrail, at ang pagbibigay ng kontrata sa ZTE rin na magmina ng kahit ano sa Mt. Diwalwal. May­roon pang umano’y 100 milyong piso na suhol sa mga kongresista para lang barahin ang impeachment noon laban sa Pangulo. Ayan na. Oras naman ni JDV para ma­kabawi sa mga nagtanggal sa kanya bilang House Spea-ker at pag-alis sa kanya sa posisyon na pinuno ng  Lakas-CMD, ang kanyang partidong pulitikal.

Mahirap talaga kapag nagiging kaaway mo na ang dati mong kakampi. Kung anuman ang mga sikretong alam niya, ay magagamit na laban sa iyo. Di ba’t para nating naririnig ulit si Chavit Singson noong nagsalita siya laban kay dating President Erap? Ang kapansin-pansin lang ay, dati kay Erap, isang eskandalo lang sa jueteng, tibag na kaagad at napatalsik sa puwesto. Eh itong si GMA, grabe! Napakarami nang eskan­dalo wala pa rin. Mala­king bagay ang pag-usad ng impeachment— bagay na nangyari kay Erap sa tulong ni dating Speaker Manny Villar na siyang nagpa-impeach kay Erap noon — at bagay na hin­di mangyari-yari sa ilalim ng Arroyo administration dahil hawak ni GMA ang mga congressman.

Pero ang bumenta na noon mukha din na ma­benta ngayon. Kung kinaya ni Chavit noon, tila mahi­hirapan si JDV na gawin   ulit ngayon. Kung napa-impeach ng Speaker Villar noon si Erap, hawak na ni GMA ang Speaker ngayon na si Nograles. At ganun na nga ang tingin ng ma­rami sa pagbabagumbuhay at paglilinis ng konsensiya umano ni JDV. Bumabawi sa ginawa sa kanya ng akala niyang mga kaibigan at kakampi niya.

Ang masasabi ng mara­mi sa “bagumbuhay” ni JDV, ay lumantad ang laro sa likod nito at tunay na mga dahilan.   Madaling ma­ging bayani sa isang sit­wasyon, pero mahalaga rin ang panahon kung ka­ilan maisip maging isang biglang bayani. Tingin ng marami ay huli na at sira ang timing ng pagbaba­yani ni JDV. Laos na ang isyu, ika nga. Hindi na rin naman natuloy ang kon­trata. Si Bolante nandito na. Pero mukhang pati iyon ay namemeligro nang ma­ging laos na rin! Isang dako ng pag-iisip lang iyan. Sa isa naman, hindi kailanman huli para sumanib sa kabu­tihan at katotohanan lalo’t katiwalian pa rin ang pinag-uusapan.

Ang masakit dito, sa pagsasayang natin lahat   ng oras sa kapapanood ng mga sarswela sa Kongre­so’t Senado, dumating at lumipas na ang mga bayani kuno — wala pa ring naku­kulong. Baka bago si Bo­lante o si GMA ang kalam­pagin dapat ay ma-impeach muna itong Ombudsman na si Merceditas Gutierrez — ang nag-iisang humahadlang sa kataru­ ngan sa bansang ito?!

CHAVIT SINGSON

COMELEC CHAIRMAN BEN ABALOS

ERAP

HOUSE SPEA

HOUSE SPEAKER JOSE

KUNG

RIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with