^

PSN Opinyon

Kargo ng kliyente ang pagkakamali ng kanyang abogado

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng PLX, kompanyang gumagawa ng mga muwebles at nagbebenta sa mga mall. Isa sa mga empleyado ng kompanya ay si Patsy, isang saleslady na nakatalaga sa South Mall. Nagrereklamo si Patsy sa hindi pagbabayad ng kompanya ng kanyang ko­ misyon. Pati ang suweldo niya kada buwan ay    bawas ng P50. Hindi rin binabayaran ng kompanya ang kanyang sick leave, vacation leave at 13th month pay. Ngunit hindi pinakinggan ng kompanya ang kan­yang hinaing. Bandang huli, ang unyon na ang nag­sampa ng kaso para kay Patsy laban sa PLX at sa manedyer na si Max.

Pagkatapos maisampa ang kaso, nilipat si Patsy sa ibang sangay ng kompanya na nasa ibang mall. Malayo ito sa kanyang tirahan at inaabot siya ng tatlo hanggang apat na oras na biyahe araw-araw. Dahil sa nangyari, ipinabago niya ang kaso at ginawang “constructive illegal dismissal” ang asunto sa kom­panya.

Katwiran naman ng PLX at ni Max, isang insidente ang nangyari kung saan nadiskubre si Patsy at ang isa pang empleyado na nagmamanipula sa listahan ng mga benta ng kompanya kaya’t naibulsa raw nina Patsy ang halagang P460,167.79. Ayon sa PLX, ina­ min daw ni Patsy at ng kanyang kasamahan ang pag­mamanipula sa mga benta at dahil sa awa, tinanggap ng kompanya ang pag-amin nila at ang alok na baba­yaran na lamang ang kinuha sa pamamagitan ng pag-awas nito sa suweldo. Nakasulat pa raw ang gina­wang pag-amin ni Patsy kaya’t walang basehan ang kanyang reklamo.

Ayon naman sa labor arbiter, dahil pinatawad na ng kompanya ang ginawa ni Patsy, hindi na nito maaaring pagdiskitahan pa ang babae. Ayon pa sa labor arbiter, ang ginawang paglilipat kay Patsy sa isang sangay na mas malayo at labag sa kanyang kagustuhan ay itinuturing pa rin na constructive illegal dismissal. Ipinag-utos ng labor arbiter na ibalik si Patsy sa dati niyang puwesto at ibalik din sa kanya ang lahat ng kanyang suweldo at benepisyo.

Humingi ng rekonsiderasyon ang dalawa sa naging desisyon ng LA pabor kay Patsy. Itinuring itong apela ng NLRC. Ngunit ibinasura rin dahil hindi naka­bayad ng kaukulang piyansa ang kompanya ayon sa isinasaad ng batas. Sinang-ayunan ng CA ang naging desisyong ito ng NLRC.

Ang ginawa ng PLX at ni Max ay kuwestiyunin ang nasabing desisyon sa pamamagitan ng bago nilang abogado. Argumento nila, ang kapabayaan ng kanilang dating abogado at ang kawalan ng kaalaman nito sa proseso ng batas ay hindi nila dapat pagdu­sahan. Pinagkakaitan daw sila ng “due process. Tama ba sila?  

MALI. Hindi nila maaaring idahilan ang nasabing argumento. Kung hahayaan ito, hindi matatapos ang kaso dahil ang tanging gagawin ng mga natatalo sa kaso ay kukuha lamang ng bagong abogado, sisisihin ang dati at mangangatwiran na hindi pa ganap na bihasa o hindi pa sanay sa kaso ang dating abogado.

Basta nabigyan ng pagkakataon ang isang partido na mapakinggan at maipahayag ang kanyang panig, hindi na maaaring sabihin na pinagkaitan siya ng “due process of law”. Ang pagkakataong ibinigay ang pi­nakapatunay na dumaan ang kaso sa proseso. Upang masabing pinagkaitan ang isang partido ng due process at nagbunga ng kawalan ng hustisya kailangan na ang kapabayaan ng abogado ay grabe, talamak at di makatwiran.

Sa kasong ito, simple lang ang pagkakamali at ka­pabayaan ng dating abogado na bayaran ang pi-yan­sa/bond. Hindi rin maitatanggi ng PLX at ni Max na binigyan sila ng kaukulang pagkakataon upang pasubalian ang mga paratang ni Patsy laban sa kanila (Philux Inc., et. Al. vs. NLRC et. Al., G.R. 151854, Sep­tem­ ber 3, 2008).

AYON

KANYANG

KASO

KOMPANYA

NGUNIT

PATSY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with