'Maka-mahirap kami' -Ex-Cong. Meniong Teves
KAWAWA naman si dating Rep. Herminio Teves. Kung kailan siya tumanda ay saka pa naiipit sa sigalot sa lupain. Malaki ngayon ang sakit ng ulo niya. Tinutukoy natin ay ang mahigit sa 33 ektaryang tubuhan sa Negros Oriental, ang Caranoche property. Sa diwa ng repor mang agraryo, inialok ng pamilya Teves ang lupain sa mga benepisyaryo nang libre o walang bayad. Bukod pa sa lupang sakahan, bibigyan pa sila ng tig-100 metro-kuwadrado ng residential lot. Pero balita natin, hindi kuntento ang mga naturang benepisyaryo.
Well, may matandang kasabihan na kapag inialok mo ang kamay ay hihingin pati ang iyong braso. Sabi ni ex-congressman na ama ni Finance Sec. Gary Teves, napatunayan niya na ang marami sa sinasabing benepisyaryo ay hindi mga tunay na magsasaka kundi realtors o real estate speculators. Kaya pala hindi kuntento sa alok ng mga Teves. Posible rin siguro na ang ibang nagpoprotesta ay ginagamit ng mga taong interesadong maangkin ang lupain para sa personal na layunin.
Sabi nga ng matandang Teves, “kami ay may puso para sa mahihirap at lubos naming kinakatigan ang genuine land reform.” Naging laman ng pahayagan si Teves at ang kanyang pamilya dahil may mga nagpo-protesta umanong magsasaka na nasaktan sa isang marahas na dispersal.
Ayon sa dating Solon. noon pang Pebrero 2001 ay may petisyon na sa Department of Agrarian Reform na Adju-dication Board (DARAB) na magtakda na ng halaga bi-lang just compensation alinsunod sa batas para sa pinag-uusapang lupain. Pitong taon ang lumipas pero walang aksyon ang DAR. Kaya ipinasya na lang ng mga Teves na ipamahagi ng libre ang lupaing ito. Ang ipinamahaging lupain ay sakop ng Bgy. Minaba na ang layo ay 12-kilometro lang mula sa city proper.
Pero dismayado si Teves nang mapatunayang hindi interesado sa pagsasaka ang ilan sa mga benepisyaryo kundi mga speculators na posibleng iben-ta lang ang lupaing maku kuha nila. Tinatalakay natin ito dahil kilala ang mga Te ves na may pusong maka-mahirap at proponent ng tunay at makabuluhang Land Reform Program.
- Latest
- Trending