^

PSN Opinyon

Fun Ranch sa Tiendesitas, delikado sa salisi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HALOS ma-iyak sa galit ang mag-asawang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng salisihan ang bag ng bebot habang kumakain sa Fun Ranch, sa Tiendesitas dyan sa Pasig City.

Hindi binigyan ng proteksyon ng mga guardia sibil todits ang mag-asawang naging biktima ng kagaguhan dyan sa Fun Ranch.

Sabi nga, wala silang pakialam.

Hindi kasi naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, na puedeng gumawa ng kagaguhan ang grupo ng dayong salisi dyan sa Tiendesitas.

Ika nga, hindi maglalakas loob!

Kasi nga hindi kabisado ng dayong grupo ng salisi ang Tiendesitas at hindi nila kakilala ang mga gumagalang plain clothes security todits.

Kamote, tama ba?

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil may mga kamoteng tinumba ang isang matapang na tulisan este mali kapulisan pala dyan sa Pasig City. Hinarap niya ang dalawang gago at naki­pagbarilan ang ating bida kaya naman natutuwa ang marami porke hindi na umaabot ang mga salarin para makita pa si Santa Claus ngayon Christmas season.

Sabi nga, belat buti nga. Hehehe!

Siguro bibigyan ng regalo ngayon kapaskuhan ang parak na nakadale sa dalawang animal este mali kriminal pala.

Ika nga, spotty este spot promotion pala.

Balik sa isyu, nakuha sa asawang bebot ang bag niya na naglalaman ng mga important documents, dalawang susi ng tsikot, credit card echetera.

Ayon sa mag-dyowa gusto nilang mabalik sa kanila ang dalawang susi ng sasakyan mga important document hindi na bali ang pitsa nadale.

Babala ito sa madlang people na pupunta dyan sa Fun Ranch sa Tiendesitas mag-ingat kayo sa mga salisi o mga magnanakaw na nagpapanggap na mga customer at baka matulad kayo sa ikinukuento ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Sinong politiko ang ala-OBAMA sa Philippines my Philippines?

NAKITA ng madlang people sa Philippines my Philippines ang historic win ni US of A President Barack Obama, bilang bagong panggulo este pangulo pala sa nasabing powerful country,

Napakabilis ng bilangan todits halos alaws pang isang araw tapos na ang counting sa kanila at mabilis naman nag-react si John Mccain porke nakita nitong alaws na siyang pag-asa na manalo kaya mabilis niyang tinanggap ang kanyang pagka-loss.

Sabi nga, hindi nadaya!

Matindi ang kapangyarihan ng balota sa tate dahil gusto talaga ng mga kano ang pagbabago porke tanggap nila na lulubog sila kapag dehins sila kumilos at magpatumpik-tumpik.

Kaya naman delikado rin ang madlang people sa Philippines my Philippines baka sa malas na inaabot ng kano at people of the world baka ang Pinas ay mahila rin pababa at malasin tulad ng nangyayari sa kanila.

Ang pinakamalaking dahilan kung bakit natalo ang sinasabing liyamado na si Senator Johc Mccain kahit na bumubulwak ang laway este mali malawak pala ang karanasan niya sa politics ay dahil sa extension daw siya ni Prez George Bush na kinayayamutan ng mga kano as of today.

Ayon sa ilang political observer, sa Philippines my Philippines na hindi rin malayong mangyari ito sa coming presidential election sa 2010 sa Republic of the Philippines kasi ‘kiss of death’ daw ang sinumang kakandidato sa ilalim ng palda este mali basbas pala ng administration.

Nakita na kasi ng madlang people ang nangyari sa nagdaan eleksyon na semplang o nasilat ang karamihan sa candidates ng administration senador, congressman at local officials.

Bakit?

Iyan ang malakanin este mali Malacañang pala ang makakasagot.

May ala-goma este mali Barack Obama bang politiko na maituturing ang Republic of the Philippines sa ngayon?

Sagot-Si Senator Chiz Escudero daw ayon sa mga barberong nagkukuwentuhan sa barberya.

Kung si Chiz daw ang bobotak bilang panggulo este mali pangulo pala sa 2010 tiyak daw na mananalo ito porke nasa kanya umano ang mga katangian ni Obama.

Naku ha!

Si Obama, ay binabatikos ang pagiging bagitong Senador sa US of A parang si Chiz ganito rin maihahambing dahil bata at bagito kaya marami rin ang pumupukol na mga kritiko sa kanya.

Sabi nga, kulang sa experience for President?

Lamang si Chiz sa Masa marami siyang tagahanga tulad ni Obama hindi ‘TRAPO’ ang una at hindi rin mangungurakot sa Philippines my Philippines.

Kailangan lang mabago ang aspeto ng Republic of the Philippines tulad ni Obama gusto niyang baguhin ang US of A.

HIndi kasi mahuhuli si Chiz dahil isa itong abogago este mali abogado pala na may malawak na karanasan sa batas ng Philippines my Philippines.

Malayo pa ang politika pero ngayon pa lamang ang kailangan ng tumunog ang kampana upang malaman ng madlang people sa Philippines my Philippines kung sino ang napupusuan nila bilang kapalit ni Gloria Macapagal Arroyo sa 2010.

Abangan.

Muntinlupa Square and Compass Club

SINASALUDUHAN ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Atty. Biyong Garing, past master ng Laon Laan Lodge 185 at sa ikalawang pagkakataon ay muling niloko este mali naluklok na panggulo este mali Pangulo pala ng Muntinlupa Square and Compass Club.

Ang 2nd public installation ng Muntinlupa Square and Compass Club ay gagawin sa Hampton Court Alabang Hillsborough Clubhouse Muntinlupa City, bukas ng alas-6:00pm.

Inaasahan ng mga bagong opisyal ng nasabing grupo na dumalo ang kanilang Bretheren mula sa iba’t-ibang lodges ng Free and Accepted Masons of the Philippines.

CHIZ

ESTE

FUN RANCH

MALI

MUNTINLUPA SQUARE AND COMPASS CLUB

PALA

PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with