^

PSN Opinyon

Philippine Coast Guard, nalulusutan dahil kulang sa mga tauhan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KULANG ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para bantayan ang ating karagatan. Ito ang napag-alaman ko nang magtungo ako sa Masbate kamakailan. Akin ding nakausap ang ilang opisyal ng PCG na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ayon sa aking mga nakausap, umaabot lamang sa 6,000 opisyal at mga tauhan ang bilang ng PCG sa kasa­lukuyan na magbabantay sa may 7,107 island, he-he-he! Mas marami pa pala ang isla kaysa sa mga tauhan ng PCG kaya nalulusutan sila ng mga mapagsamantalang ship owner.

At dahil sa kulang sila sa mga tauhan ay parang mga hilong talilong sila kung sisihin ng mamamayan sa tuwing magkaroon ng sakuna sa karagatan. Ayon pa sa kanila, nais nilang hilingin sa mga local executive at mga bara­ngay chairman na sila ay tulungan sa pagbabantay sa mga mandaragat upang maiwasan ang sakuna.

Mas malaki umano ang papel na dapat na gampanan ng mga mayor at barangay chairman dahil mga kilala na umano nila ang mga naglalayag sa kanilang komunidad. At dahil madalas umano silang masisi sa mga sakuna sa karagatan nais na nila itong ilapit kay DOTC Secretary Larry Mendoza upang dagdagan ang kanilang mga personell na magbabantay sa mga karagatan ng bansa.

Dapat ding magkaroon ng mga tauhan ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa lahat ng mga pantalan upang magsuri sa mga dokumento ng mga barko o bangkang pampasahero para mapigilan ang pag-operate ng mga fly by nights na ship owners. Kasi naman mga suki, sa halip na maghigpit ang mga taga-MARINA sa ship owners ay kukuya-kuyakoy lang ang mga ito sa kanilang mga lungga at lumalabas lamang ng kanilang malamig na opisina sa tuwing ang trahedya ay nagaganap. Tanging PCG lamang ang may kasalanan sa tuwing may sakuna at moro-morong im­ bestigasyon o papogi points naman ang sa MARINA.

Katulad na lamang sa malagim na paglubog ng MB/ Don Dexter Cathlyn sa karagatan ng Naro Bay sa Dimasalang, Masbate na kung saan umaabot sa 45 katao ang namatay at ma­ suwerteng nailigtas ang 100 pasahero. Dito ko na­kita na malaking kakula­ngan nga talaga sa mga tauhan ng PCG kaya naka-lulusot na maglayag ang over loaded na bangka.

Halos mahigit sa 40 kilo­ metro ang layo ng PCG Detachment sa pantalan ng Dimasalang kung kayat halos lahat ng mga puma­palaot na bangka ay wa­lang permiso o basbas ng PCG bago bumiyahe sa ka­ragatan. Kita nyo na mga suki! Papaano ba pipigilin ng PCG ang paglalayag ng mga bangka kung aabot sa isa o dalawang oras mo bago marating ang him­ pilan ng PCG para kumuha ng permiso. Sino bang ma­tapat na negosyanteng ga­gastos pa ng malaking ha­laga sa pamasahe para kumuha lamang ng per­miso sa ating ahensyang panda­ gat. Di ba wala? He-he-he!

Ngunit kung ang mga maliliit na bangkang ito ay ma-supervise ng mga mayor at barangay chairman tiyak na mababa­wa­san sa kalaunan ang sa­kuna sa ating karagatan.

Kaya sa mga taga-MARINA huwag kayong puro ngawa diyan! Kumilos kayo para madagdagan ang mga tauhan ninyo at ng PCG upang mapangala­ gaan ang ating karagatan at mamamayan. Maraming sa­lamat sa mga magaga­ling na piloto ng PCG Islander na sina Lt.Cdr. Rei­mond Santos at co-pilot Erickson Laza na nagbi-gay sa akin ng slot upang ma­kunan sa himpapawid ang kinalubugan ng bang­ka sa Masbate.

vuukle comment

AYON

DIMASALANG

DON DEXTER CATHLYN

ERICKSON LAZA

KARAGATAN

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

MASBATE

PCG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with