^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paghihigpit sa mga pulis na dadalo sa conferences

-

MAY mga bagay ding nakabuti sa pagkaka­buking ng 105,000 euros na dala ni retired police comptroller and general Eliseo dela Paz habang dumadalo sa conferences sa Moscow. Isa riyan ay ang pag-uutos ni PNP chief Dir. Gen. Jesus Verzosa ang pag-review sa selection procedures ng mga dadalo sa international conferences. Big­lang nagising ang PNP sa kontrobersiyang idinulot ng “euro cops” kaya ang order ni Verzosa, pag-aralang mabuti ang mga pipiliing police official na ipadadala sa mga conferences sa ibang bansa. Isang technical working group (TWG) ang binuo ni Verzosa para salaing mabuti ang mga police na dadalo sa kumperensiya katulad nang dinaluhan ni Dela Paz at anim pang police officials sa Moscow noong October 7-10.

Masyadong kontrobersiya ang “euro cops” na hang­ gang ngayon ay iniimbestigahan pa ng Senado, Ombudsman at ng PNP mismo. Nakadag­dag sa kontrobersiya ang pagkakabilang ni Dela Paz sa dele­gation gayung magreretiro na ito nang isagawa ang dinaluhang kumperensiya. October 9 nang mag­retiro si Dela Paz, isang araw bago ma­tapos ang po­lice conference. Ang labis pang pinag­tatakhan, kasama ng mga police officials ang kani-kanilang mga asawa nang magpunta sa conference. Maski ang maybahay ni Verzosa ay kasama rin doon na ayon sa report ay representative raw ng PNP chief. Bakit?

Hindi naideklara ni Dela Paz ang bitbit na euros kaya kinuwestiyon ng Russian Immigration at saka sinamsam. Isang linggong pinigil si Dela Paz, kan­yang asawa at isa pang police official sa Moscow airport dahil walang maipakitang dokumento sa 105,000 euros. Unang sinabi na contingengy fund daw ang pera. Ayon kay Dela Paz, cash advance raw iyon at itong huli, ayon na rin sa PNP chief ay intelligence fund.

Ngayon ay dadaan daw sa butas ng karayom ang pagpili sa mga ipadadalang delegates sa inter­national conferences. Sisikapin umano ng PNP na gawin ang lahat nang mabuti lalo na ang may kina­laman sa pagdalo sa mga kumperensiya sa abroad.

Kailangan munang mabuking ang mga gina­ga­wang palso para makagawa ng mga pagbabago. Paano kung hindi nabuking ang dalang pera ni Dela Paz at iba pang police officials sa Moscow, siguro tuluy-tuloy pa rin ang pagbibiyahe at baka hindi lamang 105,000 euros­ ang bitbit. Sana ang order ni Verzosa na paghihigpit sa mga pulis ay totoo at hindi gimik.

DELA

DELA PAZ

ISANG

JESUS VERZOSA

PAZ

POLICE

RUSSIAN IMMIGRATION

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with