^

PSN Opinyon

Huwag magpa-BITAG sa Rent-Tangay!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

CARNAPPING ang tawag sa mga kaso ng mga sasak­yang nawawala sa mga may-ari nito. Maaaring sa pama­maraan ng forcibly taken o stolen while park.

Subalit may isang underground industry kung saan nawawala rin ang mga pribadong sasakyan at hindi ito itinuturing na isang kaso ng carnapping.

Ito ang modus ng Rent-Tangay o ‘yung mga sasakyang pinarentahan ng mga nagmamay-ari nito sa mga priba­dong indibidwal o di naman kaya ay sa mga rent a car company.

Subalit dahil pinasukan ng sindikato, tinangay ang mga sasakyang pinarentahan at tuluyan ng naglaho.   Ayon sa Highway Patrol Group, ang kaso ng Rent-Tangay ay pasok sa qualified theft lamang.

At kung sa koneksiyon ng sindikato at estilo ng pag­didispatsa ng mga sasakyang tinangay, wala itong ipinagkaiba sa sindikatong nasa likod ng carnapping.

Tulad ng carnapping, estilo ng sindikato ng Rent-Tangay na ipeke ang mga papeles at plaka ng mga tinangay na sasakyan upang hindi na ito ma-trace pa ng tunay na nagmamay-ari, maging ng mga alagad ng batas.

Kaya naman, tumataas ang bilang ng unsolved cases sa modus na ito at maging mga alagad ng batas, kasa­lukuyang blangko sa pasikut-sikot ng Rent-Tangay.

Wala pa ring tumpak na datos o statistika sa talaan ng anti-carnapping o ANCAR ng Philippine National Police, Highway Patrol Group o HPG at National Bureau of Inves­tigation o NBI sa spesipikong kasong ito.

Dahil ang mga biktima nito, pinalalabas na kinar­nap ang kanilang sasakyan. Natututong magsinu­ngaling ang mga biktima para wala ng chechebu­re­che at oto­matikong insurance na ang bahalang mag­bayad sa bangko at papalitang muli ng bago ang kani­lang sasakyan.

Sa pag-iimbestiga pa ng BITAG, karamihan sa mga biktima ng Rent-Ta­ngay ay wala ng ga­nang ipursige ang kaso sa mga otoridad dahil sila ang   luma­bag sa batas sa ka­ sunduan na kanilang      ni­lagdaan sa bangko.

Ang mga biktimang ito kasi, hindi pa tuluyang ba­yad sa bangkong inu­ta­ngan nila ng kanilang sasak­yan sa pama­ma­gitan ng auto o car loan at nagaga­wang iparenta ang kanilang sasakyan para pamba­yad ng month­ly payment.

Labag ito sa kontrata sa pagitan ng nangungu­tang at nagpapautang katulad ng bangko at mga financing firms.

Konklusyon ng BITAG, ang dahilan ng problema ay ang mga nagmamay-ari mismo ng sasakyan na ang paraan ay paren­tahan ang kanilang sa­sak­yan pambayad ng kani­ lang utang.

Sabi nga ng isang finan­cial analyst, wag kang gagastos ng sobra sa kinikita mo at ‘wag kang ma­ngu­ngutang ng la-gpas sa kakayanan mo.

Tulad ng Rent-Ta­ngay, isa itong malaking sakit ng ulo.

HIGHWAY PATROL GROUP

NATIONAL BUREAU OF INVES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RENT

RENT-TA

RENT-TANGAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with