^

PSN Opinyon

'Hindi baboy ang anak ko'

- Tony Calvento -

(Huling bahagi)

NUNG MIYERKULES NAISULAT KO ANG UNANG BA­HAGI ng storya ng 16 taong gulang na binatilyo na si Alejandro Velarde.

Siya ay binaril sa loob ng isang carwash sa Pampanga dahil umano sa nahuli siya ni Stanley David (may ari ng nasabing carwash) na kumuha ng mga “bolts and nuts” nung April 12, 2008.

Ayon sa “complaint-affidavit” ni Stanley positibo niyang itinuro si Alejandro na parehong taong pumasok sa kanyang carwash nung April 7, 2008 at April 10, 2008. Dagdag pa niya na umano ay kasama pa ni Alejandro ang tatay nito na si Estanislao Velarde.

Idinitalye ni Stanley sa kanyang complaint affidavit ang mga gamit na umano’y nawala.

“That on April 7, 2008 when Alejandro first robbed our shop he was able to steal a 12 R engines parts, Suzuki X4 engine cylinder block and carburetor, CB125 engine cylinder block, Kawasaki block 400cc. and cylinder block and carburetor, socket, set power tools, compressor couplings and compressor platform all amounting to a total of P170, 000.00,” ayon parin sa complaint affidavit ni Staney.  

Dagdag pa niya nung April 10, 2008 na ang mga sumusunod naman ang mga tinangay nila Alejandro mula sa kanyang carwash (7pcs. of alternator, 2pcs. of starter, evaporator for aircon, 16pcs. U-bolts, 7 cans of bolts and nuts, compressor accessories, 2pcs. Prybar and Robin Generator all amounting to a total of P70, 000.00).

Nireport ni Stanley ang mga pangyayaring ito at ipina-blotter sa Punong Barangay nung April 8, 2008 at April 10, 2008.

Sinagot ni Alejandro ang mga alegasyon ni Stanley.

Ayon sa kontra salaysay ni Alejando na walang katotohanan na siya at ang kanyang ama ay may kinalaman sa nakawan na nangyari sa carwash ng mga David sa Brgy. San Nicolas, Magalang, Pampanga noong April 7 at 10, 2008.

“Wala kaming ninakaw na sa kahit isa man sa mga gamit na nakalista sa kanilang complaint affidavit. Iyon ay mga walang basehan at malisyosong mga paratang. Sila mismo ay walang naibigay na ebidensya na kami nga ang nagnakaw ng mga nasabing gamit,” ayon sa konta salaysay ni Alejandro.

Dagdag pa niya na ang totoong nangyari nung April 12, 2008 ay ang mga sumusunod: Dakong alas kwatro ng ng umaga ng silang dalawa ng kanyang ama ay umalis upang magpulot ng basura na maaari nilang maibenta. Ang kanyang ama ay dumeretso sa palengke ng Magalang. Samantalang si Alejandro naman ay dumako sa malapit sa Brgy. San Nicolas.

Bandang alas kwatro y media ng umaga ng makakita siya ng mga nakakalat na tornilyo sa carwash ng mga David. Napansin niya na mababa lamang ang bakod kung kaya’t tinalon niya ito upang damputin ang mga nagkalat na tornilyo sa loob.

Habang hawak ni Alejandro ang mga tornilyo ay may narinig siyang dalawang putok na parang baril. Bigla na lamang siyang natumba ng patihaya sa semento sa tabi ng isang sasakyan sa loob ng carwash.

“Paglingon ko ay nakita ko ang apat na pares ng mga paa at narinig ko ang isang boses na nagsasabing “Papatayin ko ang lahi mo”, ayon sa sinumpaang salaysay ni Alejandro.

Dagdag pa ni Alejandro na pagkatapos niyang marinig ang mga salitang iyon ay humingi siya ng tubig. Binuhat siya ng mga dumating na tao at isinakay sa baranggay patrol papuntang Balicutan Hospital.

Dahil sa nangyaring pamamaril kay Alejandro nagsampa sila ng reklamong “Frustrated Murder” laban kay Stanley David noong May 13, 2008.

Ang nangyaring pamamaril sa bata ay nagdulot ng malaking pinsala na sumira sa kinabukasan niya dahil sa “Spinal Chord” ang tama niya. Patuloy ang pagdudusa niya hanggang ngayon dahil hindi niya na maigalaw ang katawan niya mula bewang hanggang paa. 

SA PUNTONG ITO, hindi pwede akong magbulag-bulagan sa ilang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. May hawak kang riple, si Alejandro ay 16 years old lamang, saan naman kukuha ng tapang ang batang ito para lusubin ka na alam naman niyang siya’y walang kalaban-laban dahil may hawak kang baril? Hindi ito normal na reaksyon ng isang tao (bata) sa harap ng tiyak na kapahamakan.

Halata naman masyado Stanley na ipinapatong mo ang lahat ng mga bagay na umano’y nawala (kung may nawala nga) sa mag-ama dahil sa batas na inakda ng iyong kababayan na si Sen Francis “Kiko” Pangilinan ang Juvenille Justice Wel­fare Act of 2006 walang pananagutan ang bata. Ito ang dahilan kaya sinabit mo ang ama ng bata!

Sa dami ng mga gamit na nawala (inisa-isa mo pa) aba, maa­ri nang magbukas ng talyer ang mag-ama. Hindi ba’t carwash lang ang negosyo mo? Bakit ang daming gamit na pantalyer ang laman nito?

Sabihin na nating kumuha ng bagay mula sa loob ng carwash si Alejandro, hindi pa rin ito sapat na dahilan na barilin mo ng ganun na lamang ang bata, parang isang baboy, gayung pwede mo naman itong hulihin ng maayos at mapayapa.

Hindi mo nga siya pinatay subalit iniwan mo naman siyang baldado na halos wala ng magagawa habang buhay. Ang galing mo naman!

Nangako si former Sandiganbayan Justice Harriet Demetriou na tulungan itong bata sa kasong isinampa mo laban sa kanila ng walang bayad at panagutin ka sa ginawa mong pamamaril sa isang 16 years old na si Alejandro. 

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email:  [email protected]

ALEJANDRO

CARWASH

DAGDAG

NAMAN

NIYA

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with