^

PSN Opinyon

Itim o puti sa pagka-presidente ng US?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

DITO sa US ay may early voting, ’yung gustong bumoto ay pina­payagan para makabawas sa siksikan sa araw ng botohan. Madali lang bumoto rito sapagkat may naka-assign nang presinto ang bawa’t botante. Alam na nila kung saan pupunta.

Kapansin-pansin ang mga Black American na nag-early voting. Umpuk-umpok sila. Hula ko, si Barack Obama ang kanilang ibinoto. Noon ko pa naririnig na solid ang mga Black kay Obama.

Hindi naman ito nakapagtataka sapagkat ngayon pa lamang ang unang pagkakataon na may Black American na kan­didato para sa pagka-presidente. Kung mananalo si Obama siya ang kauna-unahang Black na US President.

Maraming kilalang personaliad ang sumusuporta kay Obama at kabilang diyan ang pinaka-impluwensiyal at isa sa pinaka­mayamang babae sa mundo na si Oprah Winfrey. Sumusuporta rin kay Obama ang dating Secretary of State na si Gen. Colin Powell. Si Powell ay isang Republican. Marami pang Black ang sumusuporta kay Obama kahit kalabang partido.

Palagay ko malaki ang pag-asang manalo si Obama laban kay John McCain sapagkat suportado ng Blacks. Pero malay ko rin, baka manalo rin si McCain dahil mas nakara­rami ang mga puti kaysa sa mga itim. Mabuti pa, abangan na lang natin sa November 4.

ALAM

BARACK OBAMA

BLACK AMERICAN

COLIN POWELL

KAPANSIN

MADALI

OBAMA

OPRAH WINFREY

SECRETARY OF STATE

SI POWELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with