^

PSN Opinyon

Supt. Val de Leon, bagman ni NCRPO chief Jefferson Soriano

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SI Supt. Val de Leon ang itinuturong kausap ng gambling lord na si Toto Lacson para sa opisina ni NCRPO chief Dir. Jefferson Soriano. Sinabi ng mga kausap ko na si De Leon pala, na miyembro ng PMA Class ’89, ang bagman ni Soriano. Ang ibig sabihin ng bagman mga suki, ‘yaon bang taga-ayos ng lingguhang intelihensiya ng mga pasugalan at putahan sa Metro Manila.

Dahil nakasandal si Lacson kay De Leon, walang gustong mangahas sa alinmang unit ng NCRPO na hulihin ang mga puwesto niya ng lotteng, bookies ng karera, PBA ending, ball-alai at iba pa. Ang halos sampung araw na pananahimik ng NCRPO sa pagbubulgar ko sa illegal   gambling ni Lacson ang katibayan. Ang base ng operation ni Lacson ay sa Bgy. Bangkal, Makati City at tila nag­bubulag-bulagan lang ang NCRPO sa problemang dulot ng pasugalan n’ya. Kung tumataas ang bilang ng krimen sa Bgy. Bangkal mga suki, ‘yan ay dahil sa pasugalan ni Lacson, he-he-he! Sobrang lakas talaga ni Lacson kay De Leon na bagman ni Soriano ano mga suki?

Sa totoo lang hindi lang naman sa NCRPO may kontak si Lacson dahil kahit sa anumang unit ng PNP me lingguhang intelihensiya siya. Maging sa DILG, GAB, NBI at iba pang ahensiya ng gobyerno, pasok din si Lacson, anang mga kausap ko. Sa tingin ng mga kausap ko, dahil sa mga connection niya, medyo menos ang lingguhang intelihensiya ni Lacson sa ibang unit ng PNP at mga ahensiya ng gobyerno dahil mahilig siyang magtago ng trabaho. Subalit ang lokal na pulisya? Sigurado akong busog ang mga ‘yan kay Lacson dahil ang katwiran n’ya ang Makati City police ang tutulong sa kanya sa anumang klaseng kagipitan, di ba mga suki? Ang mga malalaking kabo ni Lacson, ayon sa mga kausap ko, ay sina Olin, Heman, Freddie Malibay, Boy Corcuera at Boy Pa­ nahon! Bistado na kayo mga ulupong. Antayin n’yo na lang ang kapulisan sa tarangkahan n’yo. Dapat search warrant ang gami­tin ha?

Dahil sa sobrang laki ng kita ni Lacson, mga suki, marami na rin siyang naipundar na mga ari-arian tulad ng bahay at lupain. Subalit ang ilan sa kanila ay nilansi niya at saksi diyan si Boy Pana­hon, di ba mga suki? Ayon sa mga kausap ko, may legal din siyang negosyo dahil hindi siya naniniwala na habang panahon din ang buwenas niya. Sobra talaga ang gulang ni Lac­son, ano mga suki?

Pero may nakapagbu­long sa akin na dahil sa pagkawala ni Lito Glean, ang trusted man ni Makati City Mayor Jojo Binay may pumalit sa kanya na tagasalo sa katauhan ng isang retiradong opisyal ng PNP. Ang opisyal na binabanggit ko ay may pa­utang na 5-6 sa mga pulis-Makati, he-he-he! Parang Bombay din pala si Sir ano mga suki? Abangan!

vuukle comment

BANGKAL

BGY

BOY CORCUERA

BOY PA

DAHIL

DE LEON

LACSON

MAKATI CITY

SUKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with