^

PSN Opinyon

Di ka pogi sa taumbayan, BoC Commissioner Morales

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ANG Bureau of Custong mismo ang nagpresenta ng sarili nilang kapalpakan para maipakita na pursigido   silang habulin ang mga may mababang kalidad na produkto at contaminated na pagkain, he-he-he!

Kung ang mga kalakal na inilalabas sa bakuran ng Bureau of Custong ay sinuri muna nilang mabuti tiyak na hindi na sila gagamit pa ng puwersa. Nahihin­ ta­kutan tuloy ang mga mamimili na makitang armado ang mga ahente ng pamahalaan. Akala nila tuloy ay giyera na.

Katulad na lamang noong nakaraang araw nang  sala­kayin nina BoC Commissioner Napoleon Morales at matataas niyang opisyales ang Divisoria at 168 Mall sa Binondo, Manila at kinumpiska ang mga walang kalidad na produkto. 

Aba, ang akala siguro ni Morales ay pogi na siya sa madlang people habang kinukober ng mga mama­mahayag. Nagkakamali siya. Marami ang nasuka nang marinig ang kanyang paliwanag, he-he-he! Sam­­pal ito sa kanyang mukha dahil sa kapalpakan ng kanyang pamu­muno sa BoC. Di ba mga suki?

Taas noo pa si Morales nang sabihin sa milyun-milyong mamamayan na kaya umano nakalalabas ang mga smuggled goods sa kanilang bakuran ay dahil kulang sila sa tauhan. Commissioner Morales, pag-isipan mong mabuti ang binibitiwang salita.

Kung walang kutsabahan ang mga smuggler at ang iyong ahensya tiyak na hindi ito kakalat sa pamilihan. Huwag mong sisihin ang sambayanang Pinoy na kulang ka sa mga tauhan na magsusuri sa lahat ng mga duma­rating na kargamento. Responsibilidad mo iyan at mga alipores mo na idaan muna sa masusing pagsusuri ang lahat ng mga dumarating na container van bago ito payagang mailabas.

Kung walang lagayan na nangyayari sa iyong tang­gapan tiyak na ma­ kakasiguro ang sam­bayanan na ligtas ang lahat ng mga kala­kal na ibini­ benta sa mga pamili­han. Di ba Sir?   At upang matigil na ang pa­ma­­mayag­pag ng mga smuggler, idaan ninyo ang lahat ng mga con­tai­ner sa x-ray machine upang makita ang laman nito.

Kasi naman mga suki, maliliit at legal na brokers lamang ang ipina­dadaan sa mga x-ray machine at yung mga ga­lanteng smuggler ay exempted na. Abot langit na ang pag­hihirap ng mga maliliit na broker sa pagpro­seso ng kanilang kar­ga­mento bago maila­bas sa bakuran ng Cus­tong.

Malaking halaga rin ang nawawala sa ka­ban ng bayan sa kutsa­bahan ng mga examiner ng BoC at mga smug­gler at iyan ay nasisiguro ko na di-abot ni Morales, dahil kampante lamang siya sa pagtulog sa kan­yang malamig na opi­sina, he-he-he! Commissioner Morales, dapat sa’yo mag-exercise palagi at baka ka ma-high blood.

Salakayin mo ang la­hat ng tanggapan ng iyong examiners para makita kung paano   nila minama­niobra, he-he-he! Ayon kasi sa mga broker na aking nakausap, pera-pera transaksyon na ang pinaiiral sa mga examiner mo sa kasaluku­-yan kaya nagbubulag-bulagan na lamang ang mga ito sa mga ilega­lista at ang kanilang pinag-iinitan ay mga ma­liliit na broker na walang kakayahang magbigay ng atik.

May katwiran ang mga broker na aking ka­usap dahil karami­han sa mga may mga posisyon sa Bureau of Custong nga­yon ay mga milyonar­yo na. Ang mga dati’y isang kahig-isang tuka ay nakatira na sa mga esklusibong subdibis­yon. Isang damukal na rin ang kanilang mga alalay sa takot na baka malusutan sila ng mga galit na ma­liliit na broker.

At habang patuloy silang yumaya­man sa pangungurakot, mara­ming Pinoy naman ang nagugutom.

Abangan ang karug­tong.

ABANGAN

ABOT

AYON

BUREAU OF CUSTONG

COMMISSIONER MORALES

COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with