^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabagal umusad ang batas sa Pinas

-

NAKAIINGGIT ang mga bansang mabilis lumitis at maggawad ng hatol sa mga taong gumagawa ng kamalian. Madaling naisisilbi ang hustisya sa mga biktima at nabibigyan ng katahimikan ang kanilang kalooban. Dito sa Pilipinas, napakabagal umusad ng batas at inaabot ng taon bago madesis­yunan ang mga kaso. Ang nakatatawa pa, mas matagal pa ang hinintay na panahon kaysa sa hatol na pagsisilbihan sa bilangguan. Yung iba ay huklu­ban na bago pa maibaba ang hatol ng hukuman.

Isang magandang halimbawa ng kabagalan ng pagpapatupad ng batas sa Pilipinas ay ang kaso ng isang opisyal ng National Housing Authority (NHA) na naakusahan ng graft noong 1987. Man­takin namang 21 taon ang lumipas bago naisilbi ang sentensiya kay Jesse Kayanan, dating manager ng NHA na nag-authorized bayaran ng P388,200 na illegal commission ang supposed broker at saka ibinulsa ang malaking bahagi ng pera. Dahil sa kasalanan ni Kayanan, inatasan siya ng Sandiganbayan na bayaran ang P388,000 at bukod doon ay makukulong siya ng 6 hanggang 10 taon. Ang mga kasamahan ni Kayanan ay napawalang-sala sa kaso.

Sa bagal ng pag-usad ng hustisya sa bansa, huklu­ban na ang akusado bago madala sa bilang­guan. Paano pa niya mapapagsilbihan ang senten­siya? Baka kaunting panahon na lamang ang ilagi niya sa bilangguan at mamatay na.

Kung ang mga kasong gaya ng graft and corruption ay mabagal madesisyunan ng hukuman, paano pa ang mga mabibigat na kaso gaya ng pag­patay? Baka hindi lamang 21 taon ang hintayin bago madesisyunan ang kaso. Kawawa naman ang biktima kung ganyan katagal ang ipaghihintay bago makamit ang hustisya.

Isa sa mga dahilan kung bakit mabagal made­sisyunan ang mga kaso ay dahil umano sa kakula­ngan ng mga judges sa bansa. Kaya ang solusyon ng Supreme Court ay ang “justice on wheels” kung saan ay mabilisan nilang dinidinig ang mga kaso ng nakakulong particular sa mga city jail. Nag­sisiksikan sa city jail ang mga bilanggo na matagal nang naghihintay ng desisyon sa kanilang kaso.

Hindi lamang mga bilanggo ang umaasam sa mabilis na desisyon kundi pati na rin ang mga ka­anak ng biktima. Dinggin na sila.

vuukle comment

BAGO

DAHIL

JESSE KAYANAN

KASO

KAYANAN

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PILIPINAS

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with