^

PSN Opinyon

Mr. Manoling Morato, Unilab-Biomedis, at murang gamot sa puso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NAGPAPASALAMAT ang Philippine STAR at Pilipino Star NGA­YON kay PCSO Director Mr. Manoling Morato sa kan­yang pagtu­gon sa problema ni Mr. Richie Garbino, isang 29 anyos na lalaking nangangailangan ng kidney transplant. Napakabait ni Mr. Morato dahil siya mismo ang nag-follow-up sa kaso ni Richie.

Maraming salamat din sa Unilab-Biomedis, ang kom­pan­ yang naglabas ng Vitahart (Omega 3 Fish Oil para sa puso). Tu­ mawag sa akin ang Biomedis para sabihing sasagutin nila ang operasyon ni Richie. Malaki pa kasi ang kinakailangan na pera para maging matagumpay ang isang kidney transplant. Salamat sa Unilab Cluster Head Mr. Constante Caluba­quib, Biomedis Medical Director Mr. Dante Sibug, Marke­ting Director Mr. Ritchie Keyser, at Manager Ms. Julie Sumal­pong. Alam kong marami na kayong nabuhay na kidney patients.

* * *

Good news kaibigan! Mayroon na pong naglabasan na murang mga gamot para makatipid kayo. Mabisa rin ito. Heto po ang listahan:

1. Amlodipine para sa altapresyon. Halos 40% ang disku­wento kumpara sa leading brands.

a. Murang brand name Amvasc 5 mg – P17.50 bawat tableta

b. Amcal 10 mg – P15.00 bawat tableta

c. Vasalat 5 mg – P13.00 bawat tableta

2. Hydrochlorothiazide o HCTZ. Ito ang pinakamurang gamot para sa altapresyon.

a. Murang brand name Hytaz 25 mg – P5.80 bawat tableta

b. Diuzid 25 mg – P4.25 bawat tableta

3. Aspirin para makaiwas sa atake sa puso at istrok. Murang brand name Bayer Aspirin 80 mg – P1.25 bawat tableta.

4. Metoprolol para sa mabilis na pintig ng puso. Murang brand name Cardiosel 50 mg – P4.25 bawat tableta.

5. Amiodarone para sa iregular na tibok ng puso. Doktor lang po ang puwedeng magbigay nito. Halos 40 percent ang diskuwento kumpara sa leading brands.

a. Murang brand name Anoion – P39.00 bawat tableta

b. Sandoz Amiodarone – P43.00 bawat tableta

6. Cilostazol para sa nagbaba- rang ugat sa paa. Halos 60 percent ang ibi­naba kumpara sa leading brands. Murang brand name Trombocil – P38.00 bawat tableta

7. Clopidogrel para sa may allergy sa aspirin. Halos 50 percent ang disku­wento kumpara sa leading brand. Mur­ang brand name Clopivaz – P44.00 ba­wat tableta.

Para sa mga kamag-anak ninyong umiinom ng ganitong mga gamot, paki­sabi na lang na may mura nang tatak na mabibili sa botika. Good luck po!

* * *

E-mail: [email protected]

BAWAT

BAYER ASPIRIN

BRAND

FISH OIL

MR. CONSTANTE CALUBA

MURANG

PARA

SHY

TABLETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with