Cancer sa bibig
ANG cancer sa bibig ay karaniwang makikita sa labi, dila, salivary glands at gilagid.
Sintomas ng cancer sa bibig: Kapag nakakita ng puti o pulang sugat sa bibig; maaaring ang sugat ay masakit o hindi masakit; hindi gumagaling na sugat; makirot na pagnguya; pananakit ng ngipin; mahirap lumunok at magsalita; pananakit ng taynga.
Dahilan ng cancer sa bibig: Ang paninigarilyo o paggamit ng tabako ang itinuturong dahilan ng cancer sa bibig. Ang grabeng pag-inom ng alak ay isa rin sa itinuturong dahilan. Ang mga naninigarilyo at grabeng umi nom ng alak ay nasa panganib na magkaroon ng cancer sa bibig.
Gaano kabigat ang problema? Sixty percent ang survival limang taon makalipas ang treatment kung maliit pa ang tumor. Forty five hanggang 55 percent ang survival limang taon makalipas ang treatment kung ang tumor ay katamtaman ang laki. Twenty percent five year survival rate kapag ang cancer ay na-diagnosed na nasa advanced stage. Kapag ang cancer ay kumalat na sa lymph nodes (karaniwang nasa lalamunan) ang cure rates ay nadi-decrease na.
Nakahahawa ba ang cancer sa bibig? Hindi.
Paano ang treatment? Operasyon at radiation therapy ang maaaring isagawa.
Paano maiiwasan ang cancer sa bibig? Iwasan ang paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak. Ang hindi maayos na dentures o pagkaka-pasta sa mga ngipin ay dapat bigyang pansin. Magkaroon ng regular na dental evaluation. Ang mga sugat sa bibig na hindi gumagaling sa dalawa o tatlong linggo ay dapat ikunsulta sa doctor.
- Latest
- Trending